Post Top Ad

Saturday, March 2, 2019

Mga Paraan Upang Makapagtipid Sa Babayarang Buwis ang Isang Self-Employed


Freedom o kalayaan ang isa sa mga bagay na nais ng bawat tao.

May mga empleyado na sawa na din sa paulit-ulit na gawain sa opisina at ang mga katrabahong hirap makasundo. Mayroon din namang mga tao na dahil sa hirap sa buhay ay hindi nakapag-aral at hirap makahanap ng disenteng trabaho. May mga OFWs naman na sawa nang malayo sa  kanilang mga pamilya.

Ang ilang mga naiisip ng mga taong ito na solusyon ay ang pagiging self-employed.
Napakarewarding ng pagiging self-employed. Isa na doon ay ang hawak mo ang iyong oras. Wala ka nang problema sa pag-time-in o pag-time out dahil ikaw na ang boss. Ngunit siyempre, hindi lahat ay madali sa pagiging self-employed at isa na dito ang pag-tanggap ng risk ng pagkalugi at siyempre ang mga problema regarding sa pag-accomplish ng mga documents at most importantly, ang pagpasa ng mga income tax returns sa BIR.

Hindi lahat ng tao ay marunong gumawa ng income tax return at hindi lahat ay sapat ang kaalaman tungkol sa tax. Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit minsan ang ilang mga self-employed ay nag-hihire ng mga tagagawa ng kanilang mga income tax returns. At hanggang sa tax avoidance lang ang kayang gawin ng mga ito, nasa sa iyo pa din kung paano mo mapapababa ang iyong babayarang tax sa legal na paraan.
Credit Image: Sunshine Radio Manila

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapagtipid sa babayarang buwis ng isang self-employed:

1. Gumawa ng mga records ng mga transactions. Responsibilidad mo bilang may ari ng iyong negosyo na itago ang mga resibo at ilang mga papelas na nagamit sa pagconduct mo ng operations ng iyong negosyo. Sa ganitong paraan mas nagiging accurate ang mako-compute na taxable income.

2. Iwasan ang pagrerenta ng space. Mainam na gumamit muna ng space mula sa iyong bahay bilang opisina.  Saka na lang magrenta kung sigurado nang kumikita. Maari rin na mailaan sa ilang facility improvements ang pera na para sana sa iyong pag-renta. Nakatipid ka na, nakapag-improve ka pa ng iyong sistema.

3. Huwag kakalimutang ilagay as your additional exemption ang iyong mga anak.
Sa pagko-compute ng taxable income, ang mga dependents o mga anak na 21 years old and below ng isang tax payer ay maaring ilagay bilang additional exemption kasama ng 50,000 pesos na personal exemption bilang deduction sa kanilang taxable income.

4. Ibawas ang iyong start-up cost
Ang start-up cost ay ang mga gastos mo para makapag-simula ka ng negosyo. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang gastos sa pagkuha ng mga permit sa barangay, mayor at sa ilang mga government agencies na ni-rerequire ng batas na dapat kuhaan ng permit bago makasimula sa operations ang isang negosyo.

5. Maghingi ng advice mula sa mga expert
Mainam pa din na humingi ng advice mula sa mga experto sa paggawa ng tax upang mai-employ ang tax avoidance o ang legal na paraan upang mapababa ng isang tax payer ang kanyang babayaran na mga buwis sa gobyerno.

Source:


10 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yay, dugangi pana imong anak diha aron daghang ma claim. Hehehe

      Delete
  2. Bossing salamat sa info...compute2x ta ani pag may time.

    ReplyDelete
  3. Wala,ako alm dyan bossing wag klimutan ang assets and liabilities na 3 ang aking grado hahahaha

    ReplyDelete
  4. Sana all may utak na ganito hahaha pang hatag bhe

    ReplyDelete
  5. Gnun pla sir salamat s info 😍

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages