Post Top Ad

Thursday, February 28, 2019

Tipid tips upang Makapag-save sa Kuryente


Napakahalaga ng electricity sa isang sibilisasyon. Isa ito sa napaka=importanteng imbensyon na sumunod pagkatapos ang apoy. Sa pamamagitan ng electricity mas napadali ang ilang mga gawain ng isang tao tulad ng paggamit ng mga machine o equipment na ginagamit sa opisina, mga electric na lutuan tulad ng electric stove o electric na rice cooker.

Ang teknolohiya ngayon ay hindi gagana kung ang electricity ay hindi naimbento. Napakahalaga nito. Ngunit sa sobrang pagka-dependent ng mga tao sa electricity ay nagiging problema din ito.

Isa na sa mga problema na kasama sa paggamit ng electricity ay ang mataas na buwanang bills na natatanggap ng isang household.
Credit Image: https://www.electricityforum.com/how-to-save-electricity
Tama na gumamit ng electricity. Pinapadali nito ang halos lahat n gating mga gawain.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapagtipid sa kuryente ang isang tahanan:

1. Patayin ang ilaw na hindi naman kailangan
Sa mura ng isang light bulb ay napakadaling bumili nito at maglagay sa kung saan saang sulok ng tahanan. Mainam na i-check palagi bago aalis ng bahay o bago matulog kung naipatay ba ang mga hindi naman kailangan na nakabukas na mga ilaw sa tahanan.

2. Gumamit ng Natural Light
Mag-install ng mga windows o bubong na kung saan ang liwanag mula sa araw ay makakapasok sa loob ng iyong tahanan. Libre ang ilaw mula sa araw. Gamitin ito.

3. Bilisan ang pagshower
Malaki ang nakokonsumong kuryente ng ilang mga heaters. Mainam na bilisan ang pagshower.

4. I-unplug ang mga electronics na hindi naman ginagamit
Kahit na sabihin mo mang nakapatay ag isang electronics ngunit ito naman ay naka-plug pa din ay gumagamit pa din ito ng kuryente. Mainam na kaugaliang tanggalin sa pagkaka-plug ang mga electronics pagkatapos ito gamitin. Panatiliin din na i-check bago matulog kung may mga kagamitan ba sa bahay na hindi naman ginagamit ngunit naka-plugged pa din.

5. Mag-switch na sa pagamit ng laptop
Ayon sa isang study, mas malaki ang nakokunsumong kuryente ng isang desktop computer kumpara sa isang laptop. Lalo na kung ang desktop na iyan ay sobrang luma na at matagal nang nasa iyong possession.

6. Gumamit ng makabagong TV
Ang mga lumang TV o iyong mga Box TVs ay malakas kumunsumo ng kuryente kumpara sa mga makabagong TVs ngayon o iyong mga LED TVs. Mainam na mag-upgrade na lang ng appliance kaysa gumastos ng sobrang laki para sa matataas na buwanang electric bill.

7. Bawasan ang init sa loob ng tahanan
Mainam na ilagay sa isang parte ng bahay angkusina kung saan madami itong pwedeng pagsingawan ng mga smoke o init. Mainam din na nasa ibang kwarto ang kusina at hiwalay ito sa kuwartong gumagamit ng aircon upang hindi gaanong makagastos sa kuryente dahil sa pilit na pinapalamig ng iyong aircona ng pilit mo naming pinapainit na kusina.

8. Ilagay sa ideal na temperature ang iyong refrigerator
Ang ideal na temperature  ng isang refrigerator ay 2 Degrees Celsius hanggang 3 Degrees Celsius at ang iyong freezer naman ay dapat nasa below 18 Degrees Celsius.


8 comments:

  1. Kung pede lng sa bundok tumira wlng kuryente wla wifi at blik sa gaas na ilaw, no need mg aircon ksi mlmig na hangin, no need mg ref hahaha hay wish namay time machine

    ReplyDelete
  2. Indeed..maka save jud tag ing ani nga tips.kong mahimo mag kandila nalang bossing oara tipid na tipid..hihi.thank you bossing

    ReplyDelete
  3. 9. Magpainstall ng solar panel. Napakagandang investment ito at bumabalik pa sa grid ang electricity na galing sa araw. Bukod sa wala ka nang babayaran eh mas lumalaki ang value ng iyong property/bagay. Ciao

    ReplyDelete
  4. napakaraming paraan para maka tipid sa kunsumo ng kuryente, pero ang karamihan ay hindi ito ginagawa, pero pag nandyan na ang mga babayaran tsaka lang ito mag tataka.

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages