Post Top Ad

Monday, March 11, 2019

Paraan Upang Makapagtipid sa Graduation Expenses


Sa mahigit apat na taon mong pag-aaral, dadating din ang panahon na makikita mo na ang iyong sarili suot ang graduation cap and gown. Akala ng madami na madami ang natitipid kapag nalalapit na ang paggraduate ng isang tao mula sa paaralan. Madaming mga gastusing ang mga graduating students. Isa sa mga gastusin na ito ay ang mga gastusin sa damit na isusuot sa mismong araw ng graduation ceremony, mga graduation fees, gastos sa cap and gown, contribution sa graduation ball, gastos pagkatapos ang graduation ceremony tulad ng para sa pagkain sa labas kasama ang mga mahal sa buhay.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapagtipid ang isang estudyante sa kanyang graduation expenses:
1. Ipa-reserve ng mas maaga ang uupahan na cap at gown
Mainam na maaga nang magpareserba ng cap at gown sa store na nagpapaupa ng mga ito. Sa ganitong paraan, hindi ka na magkakaroon ng dagdag gastusin sa pagrenta ng cap at gown dahil sigurado na ang pagkukuhanan mo nito at fixed na din ang presyo nito.

2. I-take advantage ang mga pa-promo para sa mga graduating students
Maraming magaganap na sale para sa graduation season. May mga discounts na i-ooffer lang sa mga graduates kaya mainam na ito ay igrab. Dahil minsan lang tayo ga-graduate sa kursong ating kinuha.

3. Bumili ng mga thank you card na mura o gumawa na lang ng sariling disenyo
Hindi na uso ang pagbibigay ng letters. Ngunit maari pa din makakatanggap nito as congratulation letters mula sa mga family at friends. At ang magandang paraan para pasalamatan ang mga mahal sa buhay na nagbigay ng mga ito ay kundi ang pagbigay din ng thank you letter. Maaring makabili sa ilang stores sa mas murang halaga o mainam din na gumawa na lang ng personalized letter. Gamitin ang pagkamalikhain at iparamdam sa mga bumati nan a-appreciate mo ang kanilang effort na bumati.

4. Kailangan mo ba talaga ng graduation ring?
Tanungin mo ang sarili mo kung masusuot mo ba ng pangmatagalan ang graduation ring na iyong bibilhin. Kung hindi ay wag na lang bumili. Sapat na ang diploma bilang patunay na ikaw ay graduate sa isang kurso. Bumili na lang ng frame kung saan ilalagay diploma mo.

5. I-frame ang iyong diploma
Minsan ang mga packages na inooffer ng isang organization o ang inyong school na singil para sa diploma na may frame ay mas nagiging mas mahal pa kung ikukumpara kung ikaw ang bibili ng frame para dito. Madaming bookstores o school supplies stores na pwedeng pagbilihan ng pang frame ng diploma.

6. Humanap ng kamag-anak o kaibigan na magaling sa photography at pakiusapan ito na kuhaan ka ng litrato sa araw mismo ng iyong graduation ceremony
Mas makakatipid ka kung ikaw na lang ang gumawa ng paraan upang makakuha ka ng photos habang ikaw ay nagmamartsa sa stage upang kunin ang iyong diploma. Mas malaki pa kasi ang gastusin kung magbabayad ka sa professional photographer na kukunin ng iyong school.

Source:

4 comments:

  1. Ato ning erekomend sa mga mo graduate bossing.ok kaayo ni

    ReplyDelete
  2. I remember the day, graduate graduate lang hahaha.

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages