Halos lahat ng babae sa mundo ay pinapangarap na balang araw
ay maging mga ina. Isa ang pagiging ina na number na dahilan upang masabi ng
isang babae na iyan ang purpose nya sa mundo. Ang makapag-palaki ng mga anak at
mabigyan sila ng pinaka-best na buhay na maari niyang maibigay sa mga ito.
Isang napakalaking achievement para sa isang ina na makita
ang kanilang mga anak na lumaking maayos at malayo sa hirap. Isang challenge sa
mga bagong magulang ay ang hirap na makapag-ipon. Ito ay dahil sa mga gastos
upang makapag-alaga
Credit Image: https://medium.com/@patriciavirayobico/awesomeness-of-a-parents-27a5c4219e5c
Mainam talaga na hangga’t bata pa lang ay maturuan na ang
isang tao kung paano maging financially literate. At ang magandang simula nito
ay ang pagkakaroon ng financial literacy ng kanilang mga magulang. Ito ay sa
kadahilanang, “One can’t teach to someone which he doesn’t know”. Ika nga nila,
paano mo maituturo sa ibang tao ang isang bagay kung ikaw naman ay hindi ganoon
ka-knowledgeable sa iyong itinuturo?
Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan upang ang mga bagong
magulang ay makapag ipon para sa kanilang unang anak:
1. Mag-sign up sa mga freebies na ipinamimigay para sa mga
babies o sa mga bagong ina o mga ina.
Isang marketing strategy ng mga kumpanya na ipa-test o
ipasubok sa kanilang mga potential customers ang kanilang mga produkto. Ikaw,
bilang ilaw ng tahanan ay dapat maging aware sa mga ganitong promo at i-grab
ito kapag ang opportunity na iyon ay dumating. Malaki ang matitipid mo dahil
minsan ay free pa ang mga produktong ito na naka-promo.
2. Kumuha ng Life Insurance
Mahalaga na ang mga magulang ay kumuha ng mga life
insurance. Ito ay magiging tulong sa mga maiiwan nilang mga anak kung sakali
man na maaga nilang maiiwan sa mundo ang kanilang mga mahal na anak.
Sabi pa nga ng head ng Aviva, “A life insurance payment
could make all the difference in helping a partner and children cope
financially if one parent passes away during the policy term.”
3. Makipag-usap sa ibang mga kapawa magulang
Makipag-kwentuhan sa mga kapwa magulang tungkol sa kanilang
mga saving tips at matuto mula sa isa’t isa. Mainam din na matuto sa mga kapwa
magulang na matagal na at bihasa na sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
4. I-grab ang opportunity na mailagay na dependent ang iyong
anak upang magkadagdag na bawas sa iyong buwanang Taxable Income mula sa sahod
o/at negosyo
Ang Pilipinas ay nagbibigay ng tinatawag na Additional
Exemptions na dagdag sa Personal exemption sa pagcompute ng taxable income ng
isang taxpayer. Ang mga anak ng taxpayer ay maaring ilagay bilang additional
exemption kung ito ay hindi pa lumalagpas sa edad na 21 na taon.
5. I-claim ang mga maternity benefits mula sa kumpanya at sa
SSS
May mga kumpanya na may mga polisiya na may magagandang
benefits na ibinibigay sa mga empleyado nilang kapapanganak aside sa mga
benefits na maaring matanggap mula sa SSS. Gamitin ang mga ito. Malaki ang
magiging tulong nito hindi lang sa iyong recovery bilang bagong ina kundi upang
magamit mo ang time mo sa ibang makabuluha ng bagay. Time is gold ika-nga.
Source:
Andaman daan ni nako bossing
ReplyDeleteHahaha nauna ka dri dapita
Delete