Ang mga kabataan ngayon kasama na ang mga millenials, ay mga
entrepreneur na generation. Alam ng mga ito na walang yumayaman sa pagiging
empleyado. Sila ang generation na kung mabibigyan ng pagkakataon ay pipiliing
magnegosyo kesa maging empleyado.
Ang ilang mga nagiging balakid sa mga millenials at
generation z ay ang limitasyon sa pampuhunan, kaalaman, kakayahan, at potensyal
na mga babayarin pagka-graduate tulad ng utang ng pamilya. Isa na din ang takot
ng pagkalugi. Karamihan sa mga start-up na negosyo ay nalulugi. Dahil na rin
ito sa kakulangan sa pagpaplano at iba pang mga aspeto.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga tips para sa mga student
entrepreneur na maging successful:
1. Dapat i-set sa tamang mood ang sarili.
Kapag maganda ang
mood ng isang tao, nagiging mas productive ito kumpara sa mga taong hindi
maganda ang mood. Sa pag-aaral ng Principles of Management, hindi lang ang pera
ang nakaka-motivate ng isang empleyado, kundi ang mga benefits na makakapag-pasaya
dito. Naiaaply din ito sa mga entrepreneurs. Ang ugali ng mga entrepreneurs na
hindi agad sumusuko o ang kanilang pagiging optimistic ay isang quality nila na
dapat ay tularan.
2. Gumawa ng schedule.
Bilang estudyante dapat i-prioritize mo pa din ang iyong pag
aaral. Mainam na gumawa ng schedule ng iyong mga gawain upang matagumpay na
mapagsabayang pag-aaral at pagnenegosyo.
3. Pumili ng kursong naayon sa iyong mga goals
I-base sa iyong planong gawing tema ng iyong negosyo sa
pipiliin mong kurso sa kolehiyo.
Kunwari ay nais mong gumawa ng isang mobile application,
maari kang magenroll sa kursong magtuturo ng computer programming.
May new trend ngayon ng pag-aaral kung saan maari kang
kumuha ng mga short courses online. Ang isang paaralan na nag-ooffer nito ay
ang AMA Online University. Hanapin lang ang kanilang website sa google search
at maari ka nang makakita ng kanilang contact details upang sila ay iyong
matanong.
Credit Image: https://sunygcc.blog/2018/04/02/student-entrepreneurs/
4. Gamitin ang mga free resources ng iyong school
Kung free ang wifi sa inyong paaralan ay maari mo itong
gamitin upang magresearch ng para sa iyong negosyo. Maari mo rin magamit ito sa
pagkakaroon ng online na negosyo ang libreng internet mula sa iyong paaralan.
5. Mag-develop ng mainam na leadership skills
Napakahalaga na alam ng iyong mga empleyado kung sino ang
masusunod o in-charge. Kapag kailangan mo silang palaging paalalahanan kung
sino ang boss, hindi tama ang paraan mo ng pamumuno sa iyong team.
Mainam pa din na alam mo humawak ng tao. Preparasyon na iyan
sa iyo kapag ikaw na ay mag-eexpand na ng iyong negosyo.
6. Maging intern sa isang kumpanya na related sa negosyo mo
Madami kang matututunan mula sa iyong mga magiging boss.
Maari ka din makagawa ng mga networks sa mga tao na nagiging ka-transaction ng
iyong boss.
7. Proteksyunan ang iyong pinaghirapan
Mainam na protektahan ang iyong mga ideya at mga imbensyon.
Ito ay tinatawag na intellectual property. Ang iyong intellectual properties ay
maari mong iregister with patents, copyrights, trademarks o design marks.
Magatos man ngunit kailangan ito upang hindi mawala ang iyong pinaghirapan.
Source:
This is very effective.Thank you bossing.
ReplyDeleteEffective jud basta maapply ;)
DeleteAy mana ko ani basa...
ReplyDelete