Post Top Ad

Tuesday, March 12, 2019

Mga Paraan upang makapagtipid sa Wedding Day


Pangarap ng bawat pinoy na maikasal sa taong mahal nila. Sa isang tao na hinding hindi sila iiwan sa hirap at ginhawa. Iyong tao na magiging kapartner nila sa lahat ng mga pagsubok na kanilang tatahakin. Iyong tao na susuportahan sila sa kahit na anong mga desisyon na gagawin nila. Ka-partner sa pagbuo ng masaya at masaganang pamilya. Ang ka-partner sa pagtupad ng mga pangarap ng bawat isa.

Bago pa man magawa ang lahat ng iyan, kailangan paghandaan ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang magiging wedding ceremony. Gastos mula sa mga dekorasyon, sa venue, sa wedding planners, sa hosts sa reception, sa simbahan o venue kung saan gaganapin ang ceremony, sa rerentahang reception area, gastusin sa mga abay, at sa kung anu-ano pang gastusin upang maging successful ang isang seremonya ng pag-iisang dibdib.
Credit Image: https://www.angelandroyal.co.uk/weddings

Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagtipid sa mga gastusin para sa pag-oorganize ng kasal:

1. Gumawa ng malinaw na budget
Napaka-importante sa kahit na anong proyekto ang pagpa-plano ng mga potential na gastusin.

Alamin ang amount na dapat lamang gastusin para sa kasal. Mainam na huwag ubusin ang lahat ng pera na nakatabi sa bangko upang pagkatapos ng kasal ay magkaroon pa din ng pondo upang makapagsimula ang mag-asawa.

Pagkatapos malaman ang budget para sa kasal, gumawa ng listahan ng lahat ng mga posibleng magiging gastos para sa kasal. I-estimate ang mga ito.

2. Huwag na masyadong gumastos ng malaki upang magpakitang gilas
Sa panahon ngayon, napakauso na ang maging praktikal. Pumili ng venue kung saan kakasya ang lahat ng panauhin at kung saan ligtas at maaliwalas para sa lahat ng dadalo.

3. Makipag-konek muli sa mga kaibigang maaaring makatulong sa iyong kasal
Maaring makipag-communicate muli sa mga kaibigan tulad ng mga bartending ang profession at maari mo silang hingian ng favor na bigyan ka ng discount sa pag-offer nila ng services nila para reception ng iyong kasal.

Maari ka ding makipag-reconnect sa mga kaibigan mong nagmamay-ari ng isang malawak na property na pwedeng ipa-renta bilang iyong reception area sa mas murang halaga.
Kung wala pang sasakyan ang ikakasal, maari ding humiram na lang sa kaibigang may kotse upang magamit bilang vehicle ng ikakasal.

4. Magpapacatering services ba o magpapaluto na lang sa mga kamag-anak
Maaring humingi ng services mula sa mga catering businesses ngunit may pagka-mataas ang presyo ng mga ito. Kung maliit naman ang guests list at hindi naman ganoon kadami ay maari nang humingi na lang ng tulong mula sa kamag-anak sa pagluluto upang makatipid sa gastos para sa catering services.

5. Sound System Services at ang DJ
Pumili ng sound system service provider at DJ na naayon lang sa budget. Kung may kaibigan na DJ ay pakiusapan ito ng discount sa pag-offer nya ng serbisyo nya para sa inyong kasal.

6. I-control ang budget para sa Bulaklak
Pumili ng bulaklak na nasa season upang hindi na gagastos ng malaki sa mga bulaklak na wala sa season. Maari ding makipag-usap sa mga mismong supplir ng bulaklak mula sa Benguet upang mas mapamura sa bulaklak kung plano nyo man na bumili ng madamihan.

Source: https://www.moneycrashers.com/save-money-wedding/

8 comments:

  1. ako sir parehas kmi bagong dating ni mr gling abroad noon doon din kmi ngkakilala s abroad at 1 wek lng pagitan ng pag uwi nmin after 3 weks ngpakasal kmi at ang gastos nmin 7k, yes 7k pesos kung gustuhin nmin gumastos ng malaki pede at me mga hawak kmi since gling kmi preho s abroad hahaah katwiran nmin maging praktikal ang mhlga maikasal at may mga witness at family lng tlga..awa ng DIOS. 21 yrs in counting n kmi hahahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. WOW! Congrats, sissy! Beke nemen painvite mo kami sa Silver Wedding mo? 4 more years to go pakasal ka uli sissy? Hehehe. Sana ALL

      Delete
    2. Mapapa-wow at mapa sana all nalang ako nito...hindi masusukat sa gastos ng kasala ang magandang samahan ng mag-asawa. Marami ang gumastos ng milyones pero after ilang buwan o taon naghiwalay din.

      Delete
  2. Ulahi naman kaayo ko bossing sa tipiran oi..thank you bossing.pakasal kog usob guro onya kani akong sundon..hihihi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Vongacious kaayo gud imong kasalan. Waiting here sa imong re-upload awww

      Delete
    2. Sana all makapag pakasal uli. Hahaha...way labot ani ang mga kwartahan at maraming ipon para sa kasal.

      Delete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages