Lahat ng magulang ay gustong ibigay ang best para sa
kanilang mga anak. Kaya naman ang bawat magulang ay lubos na nagsisikap upang
kumita ng sapat na halaga para mapunan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang
mga anak. Ang ilang mga magulang ay kumukuha pa ng mga part time na trabaho
kasabay ng kanilang full time jobs upang matugunan ang pangangailangan ng
kanilang mga anak.
Taon taon, ang mga bilihin ay patuloy na tumataas ang presyo
dahil sa tinatawag na inflation. Ang tanging magagawa na lang ng bawat
mamamayan ay ang pag-isip ng mga paraan upang mapunan pa rin ang
pangangailangan nila sa creative na paraan upang makapag tipid at di
makompromiso ang enjoyment kasabay ng pagtitipid.
May mga inooffer ang ilang mga establishments na party
packages sa iba’t ibang halaga. Depende sa bilang ng mga bisita, facilities na
gagamitin, pagkain na ihahain, at iba pa. Ngunit ito ay para sa mga magulang na
may sobra-sobrang cash na kinikita. Maaari din naming gumawa ng DIY na birthday
party celebration para sa anak.
Credit Image: https://www.retailmenot.com/blog/birthday-freebies.html
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapag-tipid
sa pagcelebrate ng birthday party para sa mga bata:
1. Mag-celebrate sa classroom
Sa pagcelebrate ng birthday party ng anak, makakatipid ang
mga magulang sa gastusing sa pag-upa ng venue para sa birthday party.
2. I-invite lang ang iyong mga close na kaibigan
Ang party ay para mga bata kaya mainam na ang majority ng
mga bisita ay mga bata. Huwag ng mag imbita ng kung sinu-sino. Mas
makakapagtipid ka kung ang iyong mga i-iinvite ay mga taong malalapit lang
sayo.
3. Ikaw na ang mag-design ng invitation card
Napakamahal ng mga fees ng sinisingil ng mga artists upang
gumawa ng mga disenyo para sa mga invitation cards. Dahil halos lahat ng mga
tao ngayon ay may mga computer na sa kanilang bahay, maaring gawing DIY na lang
ang paggawa ng disenyo ng mga invitation cards. Maari ding humingi ng tulong
mula sa mga millennial na mga pamangkin dahil mas bihasa ang kanilang mga henerasyon
sa paggamit ng mga computers.
4. Gumawa ng DIY na Decorations
Kung ikaw naman ay madaming libreng oras at may mga
kamag-anak at kaibigan na willing tumulong, maaring makahingi ng tulong sa
kanila sa paggawa ng mga DIY na mga dekorasyon para sa birthday party.
5. Maging Creative sa pagkain
Kung kaya, maaring hindi na magbayad ng isang caterer at
magluto na lang ng mga handa. Maaring humingi ng mtulong sa mga kaibigan at
kamag-anak sa pagluluto or maka-discount sa kanilang mga serbisyo.
Sa pagluluto ng sariling handa, makokontrol mo ang mga
ingredients na gagamitin. Sa ganitong paraan makakapili ka ng mga murang
ingredients para sa mga lulutuin.
6. Ikaw na din ang mag-organize ng mga laro
Sa ganitong paraan makakatipid ka sa pag-hire ng mga emcee
na ang laki ng talent fee. Maari ka din humingi ng tulong sa mga millennial na
mga pamangkin para mag-organize ng mga palaro para sa mga batang bisita ng
children’s party.
Source: https://www.thespruce.com/birthday-parties-on-a-budget-620386
Super tipid jud ni ba
ReplyDeletekaayo
DeleteSalamat sir sa tipid advice
ReplyDeleteyou're welcome sir
DeleteAwww thanks sa tips bossing. Antok much
ReplyDeletedaghan kaayong salamat
Delete