Post Top Ad

Saturday, March 9, 2019

Mga Paraan upang Makapagtipid sa Pagse-celebrate ng Araw ng mga Puso

Hindi natin maiiwasan na ang araw ng mga puso ay ilan sa mga pinakahihintay na araw ng mga Pinoy. Ito ang araw na kung saan ipinagdiriwang natin ang pagmamahal natin sa ating mga kaibigan, magulang, mga kapatid, at kasintahan o asawa. Ito din ang panahon na kung saan binibigyan natin ng regalo ang ating mga mahal sa buhay. Ang mga regalong iyon ay tulad ng chocolates, love letters, valentine’s card, gift jewelry, at kung anu-ano pang mga regalo.

Sa panahon ngayon hindi sa presyo ng regalo ang basehan ng kung gaano kamahal ng isang tao ang kanyang mahal sa buhay.

Sa panahon ngayon dapat matuto tayo na magtipid. Lalo na sa kadahilanang halos lahat ng mga bilihin ay nagsisitaasan na ang presyo.

Ang katotohanan ay hindi natin kailangan na gumastos ng malaki upang mapakita natin sa ating mahal sa buhay kung gaano natin sila kamahal.
Credit Image: https://www.naijanews.com/2019/02/13/12-facts-about-valentines-day-you-probably-didnt-know/

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapagtipid sa pagdiriwang ng araw ng mga puso:

1. I-take advantage ang promos ng mga Restaurant
Sa araw ng mga puso, napakadaming mga kainan na nag-ooffer ng mga promo na para sa magkasintahan na planong mag-dine sa kanilang kainan. I-research ang mga restaurant na mag- ooffer ng ganitong mga promos.

2. Mag-celebrate ng sama-sama Imbes na bumili ng mga regalo
Kapag sinanay natin ang ating mga mahal sa buhay na tuwing araw ng mga puso ay binibigyan natin sila ng mgaregalo, hahanap-hanapin na nila iyon. Magtataka sila sa isang taon na hindi ka makakapagbigay sa kanila ng regalo. Isipin din na mas mahalaga pa din ang “Gift of Time” na maibibigay natin sa ating mga mahal sa buhay lalo na kung tayo ay palaging busy sa trabaho.

3.  I-take advantage ang mga Valentines Travel Promo Packages
Magbook ng travel packages na naka-promo para sa araw ng mga puso. Nakapag enjoy ka na kasama ang iyong pamilya, nakapag-tipid ka pa.

4. Magluto na lang ng espesyal na lutuin sa bahay
Sabi nga nila, “It’s the thought that counts.” Basta galling sa iyong dugo at pawis, sigurado na ito ay ma-aappreciate ng iyong mga mahal sa buhay.

Subukan na magluto na lang sa bahay sa pag-celebrate ng araw ng mga puso. Nakatipid ka na, napasaya mo pa ang mga mahal mo sa buhay.

5. Bumili ng mga Valentine’s Themed na mga regalo sa mga araw pagkatapos ng February 14.
Ang pagbili ng mga Valentine’s themed na mga merchandise pagkatapos ng February 14 ay mainam. Sa mga araw na ito, ang mga merchandise na ito ay ibinebenta ng mas mura or at a discount. Sa ganitong paraan ay makakapagtipid ka at makakapag-pasaya ka pa ng mahal mo sa buhay.

6. Manood na lamang ng Movies sa bahay gamit ang Internet o mga DVDs kaysa sa Sine
Sa araw ng mga puso, puno ang mga sinehan kaya mainam na manood na lang sa bahay kaysa naman na makipagsiksikan pa kayo sa napakadaming mga tao sa mall o sa mga sinehan.

9 comments:

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages