Sa pagtaas ng mga bilihin at sa dami ng mga bayarin,
napakahirap na talagang makapag ipon. Suwerto mo pa kung may matitira pa sa
iyong buwanang sahod pagkatapos mong magbayad ng nakapak-daming babayarin at pagkatapos
mong bumili ng para sa iyong personal na pangangailangan.
Mahirap pero hindi imposible. Mahirap pero pipilitin.
Mahirap pero pagsisikapan para sa kinabukasan.
Likas sa Pinoy ang pagiging optimistic nito. Kahit na
napakadami nan g problema na hinaharap ay nagagawa pa din ng isang Pinoy na
i-welcome ang bawat pagsubok na may ngiti. Kaya, bakit hindi natin bitbitin ang
konsepto na iyon sa pag-iipon. I-welcome ang mga pagsubok sa pag-iipon ng may
ngiti at positive outlook. Sabihin sa sarili na “Kaya mo iyan! Makakapag-ipon
ka! Tiwala lang!” Paulit-ulit mo itong sabihin sa sarili mo at siguradong
matutupad ito. Be who you declare yourself to be.
Credit Image: https://www.bizlibrary.com/article/the-cost-of-not-training-your-employees/
Ang mga sumusunod ay ilang mga tipid tips para sa mga
empleyadong hirap makapag-ipon ng pera:
1. Gumawa ng “Listahan”
Ilista ang bawat galaw sayo ng pera. Ang pagpasok at
paglabas sa iyo ng pera. Huwag umasa sa iyong mental na kakayahan dahil
sigurado iyan mayroon kang makakalimutan.
Ilista ang bawat gastos na iyong paglalaan ng iyong buwanang
sahod. Sa katapusan ng buwan, i-analyze ang bawat gastusin at alamin kung ano
dito ang mga necessary at unnecessary na gastusin. Sa ganitong paraan malalaman
natin kung an gang mga gastusin na dapat iwasan upang sa susunod na buwan ay
may matira pa din sa buwanang sahod.
2. Bilhin lamang ang kailangan
Hindi masama na gumastos paminsan-misan upang makapagrelax.
Karapatan mo iyan mula sa iyong sahod. Reward yourself. Ngunit dapat may
mai-set ka na limit para dito. Alamin ang iyong mga tunay na kailangan at ito
ay i-prioritize bago ang mga hindi naman talaga kailangan. Pag-isipan ng
madaming beses bago gumastos upang sa buwan ay makapag-tabi.
3. Huwag bumuli ng mga gamit na iyong ipagmamayabang lamang
Kung gusto mong makapag-ipon, iwasan ang pagbili ng mga
gamit na ang dahilan lang ng iyong pagbili nito ay upang ipagmayabang ito sa
mga tao. Piliin pa din ang mga mura at dekalidad na produkto. Magresearch upang
mas mabigyan alam kung ano ang mga produkto na mura at maganda ang kalidad.
Malaking tulong din ang pagsi-search sa internet ng mga reviews ng isang
produkto bago ito bilihin. Marami ding mga website sa internet na nagkukumpara
ng mga specifications ng mga produkto. Malaki ang maitutulong nito sa
pag-decide kung anong product ang mas wais na bilihin.
4. I-invest ang extra na cash
Madaming paraan upang makapag-earn ng passive income. Ang
ilang mga popular na paraan ay ang pagtrade o pabili ng mga equity securities
at mga bond securities. Maaari ka ding maghanap ng mga financial institutions
upang matulungan ka sa paghahanap ng tamang securities na pwede mong paglagyan
ng iyong extra na pera. Makakatulong ang pag-invest ng iyong pera sa iyong
pagtitipid dahil malilimita nito ang buwanang gastusin mo at makakatulong ito
na disiplina sa paghawak ng pera.
5. Wag mong I-undervalue ang kakayahan mong makapag-ipon
Minsan, kung ano ang paulit-ulit na sinasabi natin sa ating
sarili ay nagkakatotoo. Wishful thinking ang tawag ng iba.
Napaka-makapangyarihan ang power ng mind ng isang tao. Paulit-ulit nating
sabihin sa sarili natin na tayo ay makakapag-ipon at magiging financially free
in the future at tiyak na ito ay magkakatotoo. Matagal man ngunit sigurado na
dadating iyan. Pero mainam pa din na samahan ng gawa ang bawat plano wag puro
plano lang.
Source:
Tumpak jud ni bossing
ReplyDeleteIm here hahaha, matutong isipin at gawin kung ano ang needs at wants. Ktmihan wants ksi para hindi mahulibsa uso at sa kungvano meron ang kapwa
ReplyDeleteNaku! Puros resibo lang ang talagang maiipon ko bossing! Magkano kaya per kilo ng receipts na to?! 🤔🤔🤔
ReplyDeleteSalamat sa tips kuya till now puro recbo parin ang ipon ko haha
ReplyDeleteMerry Christmas
Salamat sa tips kuya till now puro recbo parin ang ipon ko haha
ReplyDeleteMerry Christmas
Salamat sa tips kuya till now puro recbo parin ang ipon ko haha
ReplyDeleteMerry Christmas