Post Top Ad

Friday, March 8, 2019

Mga Money-Saving tips sa Holiday Season


Napakasaya kapag dumadating na ang festive seasons tulad ng magkakasunod na holidays for Christmas, Rizal Day, New Year at iba pa.

Panahon din ito kung saan napaka-daming mga reunion na nagaganap. Family reunions, highshool batchmates reunions, elementary batchmates reunions, at kung ano pa.

Sa panahon ding ito natatanggap ng mga empleyado ang kanilang mga bonuses at 13th month pay. Sa mga panahong ito, napakadaming cash ang nailalagay ng mga empleyado  sa kanilang mga pitaka. Ang tanong nga lang ay kung nagtatagal ba ito sa pitaka o agad ding binabayad sa mga pinagkakautangan dahil nagastos na ito bago pa man ito nahawakan ng empleyado.
Credit Image: https://www.sunlife.com.ph/PH/Life+Goals/Grow+your+money/13+Tips+on+How+to+Save+Money

Dagdag na din ang mga gastusin sa pagbili ng mga regalo para sa pamilya, kaibigan at sa mga inaanak.

Huli ay ang mga gastusin sa mga ihahanda sa mga okasyong magkakasunod.
Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang makapagtabi pa din sa panahon ng holiday season:

1. Huwag tumambay sa mall
Kahit sabihin mo lang sa sarili mo na hindi ka gagastos at makiki-aircon ka lang sa mall ay hindi pa rin ito advisable. Maari ka kasing matukso na bumili ng mga naka-sale na produkto na napakadami tuwing holiday season.

2. Kumain bago lumabas
Kapag gala, gala lang. Mainam din na kumain muna bago gumala. Sa ganitong paraan hindi ka na mapapagastos sa mga pagkain na ibinbenta sa iyong pupuntahan. Mas madami nakokunsumo nating pagkain pag tayo ay kumakain sa labas kung tayo ay gutom. Malaki din ang chance na gumastos ng unnecessary foods or mag impulsive buying of foods dahil sa gutom. Mainam din na magdala ng baon na biscuit o tinapay mula sa iyong bahay upang may makain ka just in case ma-traffic sa pag-commute.

3. Iwasan ang mga galaan na kailangan magbayad ng entrance fees para makapasok
Madaming galaan na nagpapabayad ng entrance fee. Ang mainam na gawin ay iresearch ang isang lugar na plano mong puntahan para makapag prepare kung ilan ang cash na dapat bitbitin sa pagpunta doon.

Kahit nagtitipid ay dapat padding sobrahan ang dala na pera sa paggala para sa mga emergencies na pwedeng mangyari. Napaka-importante nito lalo na kung napakalayo ng iyong pupuntahan.

4. Bawasan ang dami ng pag-outing sa holiday season
Huwag outing  ng outing. Kahit na sabihing inimbita ka lang ay sigurado yan na gagastos ka pa din sa pamasahe, entrance fee at iba pa. Sumama lang sa mga tao na malapit sa iyo o sa mga tao na madaming taon mo nang hindi nakakasama.

5. Gamitin ang iyong creativity
Hindi na kailangang bumili ng bagong Christmas outfit. Gamitin ang iyong creativity at gumamit ng accessories.  Ang simpleng paggamit ng accessories sa simpleng T-shirt ay maaring makatulong sa pag-achieve ng bagong look sa Christmas season.

6. Gumawa ng personalized na regalo.
Madaming tao na mas na-appreciate ang regalo na personalized at galing sa puso. Ang mahalaga sa regalo ay ang thought ng nagbibigay nito habang ginagawa niya ito.

7. Bumili lamang ng mga naka-sale
Sa holiday season, napakadaming naka-sale na mga produkto sa kung saan na pamilihan. Ang mga bilhin lamang ay mga produktong naka-sale at tiyak na ikaw ay makakatipid!



4 comments:

  1. Absolutely true mga nkasulat sa itaas para llo mktipid wag lumabas ng bhay hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kami nga eh nakapag-ipon ngayon dahil since ECQ siguro limang beses palang kami nalabas ng bahay na masasabi nating gumastos na mahigit 1k..noon halos linggo para makakain. Hehehe

      Delete
  2. Wajud mi kaon2x sa gawas bossing kay mahal..taman jud ni

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sakto kaayo, makaiwas sa wala kinahanglanang gasto kung dili mogawas ug balay.

      Delete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages