Napakalaki ang nilalaan na gastusin ng bawat pinoy upang
mapaganda ang kanilang mga buhok. Ang iba pa nga ay nagsisikap na makatipid
upang makapagtabi ng pera upang gamitin para sa pagpapaayos ng kanilang mga buhok
sa mga salon.
Libu-libo ang ginagastos ng mga Pinoy na ito upang maipaayos
lang ang kanilang mga buhok. Madaming puwedeng maging treatment para sa buhok,
pakulay, hot oil treatment, rebond treatment, cellophane treatment, brazillian
blow-out treatment at madami pang iba.
Ilan sa mga treatment na ito ay may mga target area na
sinosolusyunan. An isa sa pinakaproblema sa buhok ng mga pinoy ay ang
pagkakaroon ng dry na buhok. Dahil na din sa napakadaming treatments at kung
anu-anong pinapahid sa buhok kaya nagiging dry ang buhok ng isang tao.
Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang ma-treat ang dry
hair:
1. Gumamit ng hot oil shampoos
May mga shampoos nan a in-ooffer na sa merkado. Mura na at
naka-sachet pa. Ang mga common na sikat na pang hot-oil treatment ay olive oil,
coconut oil, almond oil, castor oil, jojoba oil, corn oil at iba pa. Ang mga
ito ay sagana sa Vitamin E at tumutulong ito na i-seal ang labas na layer ng
buhok o ang cuticle ng may moisture upang maayos ang damage na naranasan ng buhok.
2. Gumamit ng mga
maganda at mapagkakatiwalaang mga hair products
May mga shampoos na gentle at ito iyong may mga
naka-indicate na ito ay sulfate-free. May ilang mga conditioners na ganito din.
Ang mainam na paggamit n shampoo ay minsan o dalawang beses
lang sa isang lingo.
3. Gamitin ang beer bilang hair conditioner
Ang beer ay may protein na tumutulong upang ma-repair ang
hair cuticles para maging makinang at malambot ang buhok.
Kapag gumamit ng shampoo ang isang tao, maari syang
mag-spray ng beer sa kanyang buhok at kapag ito ay natuyo na ay magmumukhang
ginamitan ng conditioner ang buhok.
4. Gumamit ng coconut oil mask
Ang coconut oil ay may mga soothing at moisturing effect
kapag nilagay sa buhok.
Ang mga tao ay makakagawa ng simpleng coconut hair mask sa
paglaga ng curry leaves na may coconut oil ng dalawa hanggang tatlong minuto.
Pagkatapos nito ay i-se-set aside ito to rest at ilagay sa isang cool place ng
ilang mga araw.
5. Paglalagay ng gelatin sa buhok
Ang gelatin ay isang magandang protein source para sa buhok.
Sinasakop nito ang bawat hibla ng buhok at nagbibigay ito ng moisture sa buhok
upang ito ay maging makinang at malambot.
6. Gumamit ng mayonnaise at itlog na mixture
Ang itlog at mayonnaise ay mayroong madaming protein na
nakakatulong na i-fortify at palakasin ang buhok at ibalik ang moisture ng mga
brittle at sobrang dry na buhok.
7. Maglagay ng yogurt at oil mask
Kapag pinagsama ang yogurt at oil ay nagiging epektibong
home treatment para sa sobrang dry na buhok.
8. Maglagay ng Avocado paste sa buhok
Ang avocado fruit ay sagana sa mga bitamina tulad ng vitamin
A at E, saturated fats, at minerals. Ito ay maganda para sa damaged at dry na
buhok. Kaya nitong i-moisturize at palakasin ang buhok.
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/321850.php
Madami ako hindi alam na ngayon ay nalaman kung pwede gamitin para hindi mag dry ang hair... ang beer akala ko nakakalasing lang pwede din pala sa buhok gamitin.at itlog and mayonaise at marami pang iba.. salamat ulit sir sa napagandang information na binahagi nyo.. Godbless
ReplyDeletekung ako iinomin ko ang beer mommy...pero noon yon...hindi na kasi ako nainom ngayon kahit isang shot...nakakasawa ng malasing
DeleteAwww, pwede pa la beer sa buhok bossing? Di ba malalasing buhok ko nyan? Hahaha maitry nga at tignan kung makakalbo o maaayos ba buhok ko! Hahaha
ReplyDeletesayang nga eh hindi ko ito ginamit noon kaya nakalbo tuloy ako ngayon...hahaha
DeleteOk man ni maayo super tipid bossing.salamat
ReplyDeleteokey keo ni oi
DeleteTry ko yan minsan salamat sa tips kuya bossing
ReplyDeleteTry ko yan minsan salamat sa tips kuya bossing
ReplyDelete