Madaming mga nababalitang mga guro na nababaon sa utang.
Kaya halos lahat ay nagde-demand sa kanilang mga employers na taasan ang
kanilang sahod.
Napaka-rewarding na trabaho ang makita mo ang iyong mga
estudyante na natuto dahil sa tulong mo. Ang makita lang sa kanilang mga mata
ang pagningning dahil sa mga lessons na kanilang natutunan ay sapat nang reward
para sa isang guro. Pero maging praktikal din tayo, kailangan din ng isang guro
ng pera upang magkaroon ng panggastos sa pang-araw-araw.
Masarap maging guro. At masarap din na maging financial
literate. Sabi nga sa isang financial literacy na libro, mas makakatulong tayo
sa kapwa kung mayroon tayong extra income or excess income.
Ang ilang mga paraan upang makapag-ipon at makapag-tipid ang
isang guro ay naka-enumerate:
1. Bantayan maigi ang iyong mga gastusin
Dapat, as much as possible ay sumunod pa rin sa badyet na
iyong itinalaga noong ikaw ay nagpa-plano noong nakaraan na buwan. Maari din na
magpractis ng disiplina sa sarili at isipin palagi na dapat ikaw ay makatipid.
2. Alamin ang pagkakaiba ng iyong needs at wants
Ang needs ay ang iyong mga pangangailangan upang
makasurvive. Ang wants naman ay ang mga pangangailangan na maari naming hindi
na muna paggastusan dahil hindi naman ito kailang upang makasurvive ang isang
tao.
3. Humingi ng classroom funds sa eskuwelahan kung saan ka
nagtatrabaho
May mga eskuwelahan na minsan, sa kakulangan sa mga gamit ay
napipilitan na ang mga guro na sila mismo ang gumastos, mula sa kanilang mga
pitaka, ng para sa mga classroom activities ng mga bata. Napakababa na nga ng
sahod ng mga guro ay sila pa ang napipilitang gumastos para sa classroom
activities.
Kaya mainam nab ago pa man magtransfer sa isang kumpanya ay
alamin muna kung ang isang paaralan na ito ay nagbibigay ban g pondo para sa
mga gastusin ng para sa mga classroom activities.
4. Magbenta ng mga itinatapon na scratch papers at plastic
bottles ng iyong mga estudyante at katrabaho.
Sa mga raket na ito, maari mong magamit ang mga proceeds
dito bilang iyong pampamasahe sa pang araw-araw mong pagpasok at pag uwi mula
sa paaralan.
5.Magbayad ng utang hanggang ito’y tuluyan nang mabayaran
Napakasarap ng
pakiramdam ng walang utang. Ang isang positibong epekto nito sa isang
tao ay ang pagkakaroon ng extra cash upang madagdagan ang iyong maiipon. Kapag
wala ka ng utang, magkakaroon ka na din ng extra cash na maari mo ding i-invest
sa stocks, bonds o sa kahit ano pa mang financial instrument na maaring
makatulong sa iyo na lumaki ang iyong pera.
Credit Image: https://millerbernstein.com/financial-jargon-10-terms-de-coded/
6. Umiwas sa mga hindi healthy na pagkain
Isa sa napakalaking gastos na minsan ay hindi natin
nilalagay sa ating buwanang badyet ay ang para sa medical expenses. Napakahirap
mapredict kung kelang tayo magkakasakit at sana ay wag na lang. Kaya mas mainam
na iwasan na lang ito sa pamamagitan ng pagkain ng healthy na pagkain.
Kadalasan kasi ng mga produkto na binebenta sa mga bata ay sobrang matamis o
sobrang alat. Iwasan ito at magbaon na lang ng prutas pagpasok sa trabaho.
Source:
Bossing dili ko karelate ani..hihi but this is truly effective jud na tips.thank you
ReplyDelete