Post Top Ad

Tuesday, December 29, 2020

Mga Paraan Upang Makapag-Ipon ang isang Highschool Student

Ang pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang paraan upang magkaroon ng dagdag kasiguraduhan na magigingmatagumpay sa pagtanda. 

Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang maipapamana ng isang magulang para sa kanyang anak. Napaka-importante na malaman ng isang mag-aaral na hindi lamang dapat sa magulang manggagaling ang effort na makapagtapos ang isang bata kundi dapat pati na rin sa mag-aaral. Ang pag-aaral ay teamwork ng magulang o nagpapa-aral at mag-aaral. 

Bilang isang mag-aaral, kailangan i-priorotize ang pag-aaral at kailangan din na maging masinop sa mga resources na kaya lamang iprovide ng nagpapaaral o ng magulang. Tulad ng lahat, ang mga magulang o ang mga nagpapaaral ay limited din ang kita at resources kaya mainam pa din na maging creative sa paggamit ng mga resources na ito. 

Importante ang pag-aaral. Kung wala ito, napakahirap makahanap ng trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa. Isa pang nagiging problema ng ilang mga tao na walang high scshool diploma ay ang pag-implement sa bansang Pilipinas ng K-12 program na kung saan nagdagdag ng dalawang taon ang DEPED o Department of Education sa high school. Sa dalawang taon na ito, kailangan mamili ng strand o specialization ang isang mag-aaral. Ang isang rason sa pag-implement ng ganitong educational system ay ang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga potensyal na trabaho na maaari nilang pasukin kung sakaling sila ay makapagtapos na ng pag-aaral. Kaya sa panahon ngayon na napakadami na ng mga graduate ng K-12 program ng DEPED, ang mga high school graduate bago ang implementasyon nito ay nakikipag-competensya sa mga skills ng mga K-12 graduates.

Napakahalaga na kahit sa murang edad pa lamang ay malaman nan g isang tao ang kahalagahan ng pag-iipon.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang makapag-ipon ang isang high school student:

1. Magdala ka ng sarili mong baon
Effective na paraan ito upang makapag-tipid at magkaroon ng sobra sa baon. Hindi lamang sa makakapagtipid, makakatulong din ito upang makasigurado na malinis ang pagkain na kinukunsumo ng isang estudyante.

2. Tubig kesa juice o softdrinks
Sa pagpasa ng mga bagong subject na pinapatawan ng excise tax, kasama dito ang para sa mga sweetened beverages tulad ng mga juice at softdrinks. Mainam pa din na magkaroon ng tubig na baon sa school upang maiwasan ang paggastos sa pagbili sa mga canteen ng eskuwelahan na minsan ay sobrang taas ng presyo kung ikukumpara sa ilang mga pamilihan sa labas ng eskuwelahan.

3. Magdala ng saktong halaga lamang sa paaralan
Kung ibinibigay sa iyo ng iyong magulang o kung sino man ang nagpapaaral sa iyo ang iyong buwanang baon o lingguhang baon, mainam na huwag dalhin sa paaralan ang buong amount na itom. Mainam na iyong sakto lang sa isang araw na gastusin ang dalhin.

4. Umiwas sa bisyo
Hindi maitatanggi na kahit bawal, patagong nakakakuha o nakakabili ang mga minors ng mga sigarilyo at alak. Hangga’t bata pa lang sana ay matuto nang idisiplina ang sarili at iwasan ang mag-bisyo.

5. Bumili ng second hand na libro
Kung may mga kapatid na nakatatanda, mainam na gamitin na lang ang mga librong kanilang ginamit kung ito man ay katulad ng magiging reference mo sa paaralan.


Source: https://powerpinoys.com/save-money-student/

4 comments:

  1. Di ako makaipon noinh nag aaral pa ako at lagi eksakto ang baon wlng labis lagi kulang hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ako nagrecess nong high school para makapag-ipon lang ako...pero yong inipon ko, naubos lang din

      Delete
  2. Replies
    1. Pareho ta inday, grabe kapait ang akong HS days...pero super enjoy.

      Delete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages