Post Top Ad

Friday, February 15, 2019

5 Money Saving Tips Para sa Modernong Pinoy

They say that money is the root of all evil. Pero hindi ba dapat i-rephrase ito na -“Without money, people will do evil”? Di ba ang pagkakulang or kawalan sa pera ang nagiging dahilan kung bakit nakakagawa ng masama ang ilang mga tao? Pagnanakaw at panghoholdap ay ilan sa mga evils na nagagawa ng isang individual dahil sa kawalan o kakulangan sa pera.

Hindi mahalaga kung gaano kababa o kalaki ang income mo buwan-buwan. Ang mahalaga ay alam mo kung paano ito gagamitin wisely at kung paano ka makakapagtabi. Sa bilis ng pag-progreso ng teknolohiya ay nakakatulong na din ito sa mga modernong savers.

The following sentences are some tips on how to save money in this modernized world:

1. Gumawa ng budget. 
Sa ilang mga pinag-aaralan sa business courses, ang pagbabadyet ay tinatawag ding forecasting. Sa business world, ang forecasting ay ang matalinong pagpredict ng mga future trends sa pinansyal na aspeto ng isang negosyo gamit ang impormasyon ng mga nakaraang taon. 

Dapat bago mo pa man matanggap ang iyong income or sahod ay nakagawa ka na ng budget o estimate kung sa anu-anong mga bagay mo posible magagamit ang iyong buwang income o sahod. Kung nahihirapan ka naman magbudget ay pwede mong gawing reference ang mga nagging gastusin mo ng nakaraang mga buwan. Ito ay makakatulong para magkaroon ka ng plano kung magkano lang ang dapat mong gastusin at kung magkano dapat ang iyong ma-save sa buwan na iyon.

Malaking tulog din kung marunong kang gumamit ng Microsoft Excel. Kung bihasa ka sa application na ito, maaari ka nitong matulungan dahil maaari kang makagamit ng mga formulas para sa mabilis na pagko-compute ng iyong pagba-budget. May mga short online courses na nagtuturo sa paggamit ng MS Excel application.

2. Auto-saving
Ito ay napaka-applicable sa mga empleyado. Maari mong paki-usapan ang iyong employer na automatic na ilagay sa iyong savings account ang isang specific na percentage ng iyong monthly salary. Sa ganitong paraan, ang pera ay hindi mo agad-agad na magagastos dahil sa napakahirap magwithraw ng over-the-counter sa mga banko.

3. Batas Beinte Kwatro Oras
Ang impulsive buying ay isang problema ng mga tao kaya nawawala sila sa budget. Ang 24 hour rule ay napakagandang stratehiya sa pag-iwas sa mga wala-sa-badyet na gastusin. Ito ay ang paghihintay ng 24 hours bago gumawa ng desisyon kung bibiili o hindi ng isang bagay sa mall o sa isang online shop. 

4. Mag-unsubscribe sa mga promotional e-mails mula sa BeautyMNL, Lazada, Shoppee at iba pang online shopping platforms
Sa pag-unsubscribe mo sa mga promotional sales email alerts ng mga online shopping sites, nakakaiwas ka sa mga hindi planadong paggastos. Sasabihin nila na, “Buy this product now for 900 Pesos and save 25%”. Pero ang totoo ay hindi ka naka-save ng 25% kundi nakagastos ka ng 900 pesos. Ang ganyang mga stratehiya ay ginagamit ng mga kumpanya para mahikayat ang isang customer na bumili. 

5. Never Put in the Savings Envelope- 100% of your Earnings. Happiness still equals good attitude toward money management. 

Hindi masama na gamitin mo din sa panonood ng sine, pagmilktea, o pagkain sa isang restaurant ang ilang porsyento ng iyong sahod. Pinaghirapan mo iyang sahod/income mo. Ilang pawis, luha, at stress ang iyong na-experience. Dapat pa rin ay may porsyento sa kinikita mo na para sa iyong entertainment and recreation. Ika-nga nila “ Work Hard and Play Harder.” Kelangan mong ienjoy ang iyong pinagpaguran at makakatulong ito sa iyo upang maging masaya. 

Ayon kay Chad Rixse, ang co-founder ng Millenial of Wealth, “We are not so quick to make emotionally driven decisions, but rather think about how (our) decisions might impact the overall level of happiness we are currently experiencing and choose a more objective approach.” Mas nagiging financially smart ang isang taong masaya. 

Napaka importante pa din ng disiplina at commitment sa pagsave ng pera. It is your attitude towards your budget and your income that would define your success in saving. In this modern time, may mga teknolohiya na na maari tayong matulungan sa ating pagsi-save at paggawa ng budget. Iyong iba nga ay gumagamit na din ng mga applications sa mobile phones nila na tumutulong sa kanila magsave at magbudget tulad ng Mint, Spendee, Goodbudget at Monny.  

Sources:
(1) https://brightside.me/inspiration-tips-and-tricks/12-money-saving-rules-that-rich-people-follow-692010/
(2) https://americasaves.org/for-savers/make-a-plan-how-to-save-money/54-ways-to-save-money 
(3) https://www.investopedia.com/terms/f/forecasting.asp
(4) https://money.usnews.com/money/personal-finance/saving-and-budgeting/articles/2018-03-29/7-ways-boosting-your-happiness-will-improve-your-finances
(5) https://www.comparehero.my/blog/5-budgeting-apps-you-cant-live-without

5 comments:

  1. Nkupo sa 12 sale sa lazada at shopee hahaha sana walang net sa araw n un

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Excellent blog post bossing! I enjoyed it very much! Patama ka ha? I used to do the MS Excel for 3 yrs but I got tired coz wala talaga akong naesave. Dun ako magaling sa 24 hour rule hahaha, impulsive buying nga! My best excuse is, I need to treat myself and sometimes nakakawala ng stress tong shopping kaya heto oh matanda na at wala pa ring savings hahaha. My tipid tips for your readers our there is, ONLY spend what you have earned! Kasi di naman alam ang panahon baka biglaan tayong mawawala eh who’s going to spend it for you?! Awww

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages