Sabi nga sa isang kanta, “Catch a falling star and put it in
your pocket. Save it for a rainy day.”
Magtago ka ng sobra sa kinita mo ngayon at tiyak na hindi ka
mahihirapan kapag dumating sa iyo ang panahon ng kagipitan.
Ang mga sumusunod ay mga katanungan na maaari nating
tanungin sa ating mga sarili upang makasiguro na talagang nakakapagtabi tayo
para sa rainy days or para sa panahon ng kagipitan:
1. Sumusunod ba ako sa badyet ko?
Ano pa ang silbi ng paggawa mo ng lingguhan o buwanang
badyet kung hindi mo rin lang ito suundin. Nagsayang ka na ng oras. Hindi ka
din nakapagtabi.
Kailangan ng isang pinoy na maging disiplinado sa pagmanage
ng kanyang mga gastusin. Kung hindi naman for emergency purposes ang gastusin
ay mainam na wag na lang gawin.
Mainam din na magtalaga ng isang bank account na madaling
mawithdraw bilang iyong emergency fund. Sabi nila ang emergency fund ay ang
pondo na iyong itatabi para sa mga gastusing hindi planado. Madalas na katumbas
dapat nito ay at least six months ng iyong sahod o anumang halaga na
kakailanganin mo upang makasurvive ng at least six months kahit wala ka pang
trabaho at habang ikaw ay nasa estado ng paghahanap ng lilipatang trabaho.
2. Mayroon ba akong sapat na pasensya?
Matagal na paghihintay ang kailangan upang mapalaki ang
buwanang ipon mo.
You have to keep your eyes on the goal. Palaging isipin na
lalaki din ito. Konting disiplina lang ang kailangan upang ma-achieve ang
inyong goals at maging financially free.
Isipin mo na lang na sa paraang ito, sa nalalapit na
hinaharap ay magiging debt-free ka na.
3. Napupuno na ba ako ng mga gamit sa bahay na hindi ko
naman napapakinabangan?
Ang pera kapag nagastos mo na sa isang bagay na wala naman
kinikita ay perang hindi na babalik. Kaya minsan ang ilang mga nagpapautang na
kumpanya ay tinatanong kung saan mo gagamitin ang iyong uutanging pera. Mas
kaaya-ayang pautangin ang isang tao na gagamitin ang perang uutangin sa negosyo
kesa sa panghanda sa kanilang piyesta o kaarawan. Kapag sa negosyo nilagay ang
pera, maari pa itong kumita at magdagdag ng pera sa kaniyang mga owners.
4. Nakakapagbigay na din ba ako sa kapwa?
May isang relihiyon na nagsasabing ibigay sa Diyos ang
sampung porsiyento ng iyong kinita dahil ang 100% na kinita mo ay galling din
sa kanya. Huwag nating ipagdamot sa kapwa natin ang mga biyayang ating
natatanggap mula sa Panginoon. Mas mabuti nang tayo ang tumutulong kaysa tayo
ang mangangailangan ng tulong.
5. Ako nga ba ay nagiging paranoid na sa pagtitipid?
Minsan hindi na nagiging maganda ang sobrang pagtitipid.
Lalo na kapag ang isang tao ay ikino-kumpromiso na nya ang kanyang pangunahing
pangangailangan upang makapag-tabi lang. Dapat ay may balance pa din. Hindi
masama na bawasan ng konti ang sobra sa kinita mo sa isang buwan to treat
yourself and your love ones.
Ang pera madaling kitain. Ang pagmamahal ng pamilya,
kalusugan at pananampalataya sa Diyos ay dapat pa ring priority ng bawat
modernong Pinoy.
Source:
Noong una dalawa kmi ni mr sa abroad diko alm ang salitang ipon hahaha pero ng ako nlng nsa abroad ayon don ko nlman ang khlgahan ng ipon.
ReplyDeleteKailangan talaga natin ng ipon, actually hindi ako mahilig sa ipon, ang ginawa ko kumuha ako ng mga properties gaya ng lote at binabayaran ko siya buwan-buwan...kaya ngayon wala akong malaking cash na ipon pero mayron akong tatlong properties na pagmamay-ari at natapos ko na itong bayaran bago nag pandemic. Ngayon nag-umpisana akong mag invest sa UITF ng BDO para pang future ko at pati ang MP2 at SSS Flexi-Fund.
DeleteYay..wala nako suhida ning uban ani.suhidon na nako.thank you sa tips bossing
ReplyDeletesalamat sa pagsuhid nimo inday
DeleteSuhid pa more inday @ann cabrera hehehe
ReplyDelete