Post Top Ad

Tuesday, February 12, 2019

Bakit Ba May BROWNOUT?

May kanya-kanyang sagot ang bawat isa kapag tinatanong tayo "Bakit nga ba may Brownout?". Hindi malinaw kung ano ang tama at ano ang mali. Dahil nga magkaiba ang mga sagot, nagbigay ng malinaw na kadahilanan ang mga electric cooperative tungkol dito. Basahin sa ibaba ang mga dahilan na inilista ng COTELCO, INC (Cotabato Electric Cooperative, Incorporated).

Bakit ba may "BROWNOUT"?
● Dahil ayaw ni Tatay na ipaputol ang puno ng mangga na tinanim pa ng lolo niya na nakasabit na sa kawad ng kuryente.
● Dahil nagtitipid si mama. Ayaw niyang gumastos para magkaroon kami ng sariling koneksyon sa kuryente kaya nakiki-series na lang kami kina aling Nina. Ang yaman ni aling Nina. Ang dami namin na naka-series sa kanila.

● Dahil ang tito kong astig na may-ari ng welding shop ay ayaw bumili ng sarili niyang transformer. Para saan pa, sabi niya.
● Dahil kasi itong bagyo dito pa talaga sa amin dumaan.
● Dahil si manong driver lasing yata at sa poste bumangga.
● Dahil kulang ang supply ng kuryente kasi may nasira sa power plant.
● Dahil nagkaproblema ang transmission lines.
● Dahil may maintenance activity.
● Dahil mas pinili mo pang ipambili ng gin at 
maglasing, ipansugal at umasang manalo, 
ipangload at maghintay ng sagot ng crush mo ang perang pambayad sana ng monthly bill nyo.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages