Gone are the days kung saan ang manual in everything ang
trend. Sa mabilis na pag-progreso ng teknolohiya ay nasanay na din ang
modernong Pilipino sa mabilis na mga proseso. Iyong ilang mga gawain na dati ay
oras ang inaabot bago matapos ay minute o segundo na lang.
Sa sobrang stressed natin sa ating mga pinagkakaabalahan sa
buhay ay minsan kailangan din nating makapagrelax upang maging mas productive
sa ating trabaho o negosyo. Ang isang out-of-town trip ay napakahalaga upang
makamit it. Isang problema lang ay kung may sapat ka bang pera n apang-gastos
para dito?
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapag-ipon
sa napakabilis na panahon:
1. Gumawa ng Badyet ng mga Gastusin para sa Isang Linggo
Mas epektibo ang pagbabadyet ng lingo-linggong gastusin kesa
sa pag gawa ng buwanang badyet ng gastusin. Sa ganitong paraan mas matututukan
natin ang ating disiplina at pagpaplano sa perang ating mahahawakan galling sa
ating sahod at sa kung ano mang forms of income natin.
2. Magbawas sa mga gastusing pwede naming hindi na
paggastusan
Ang ilang halimbawa nito ay ang option mo sa pagpapaayos ng
iyong mga nails. Kailangan mo pa ba talaga na magpaayos ng iyong kuko sa salon
dahil pwede naming ipagawa ito sa kapatis, anak, o kaibigan ng libre.
Maari din na bawasan ang pagkain sa mga restaurants. Kung sa
isang lingggo sampung beses ka kung kumain sa labas, maari mo itong bawasan sa
kalahati at magluto ka na lang sa iyong tahanan. Nakatipid ka na, alam mo pa na
malinis ang iyong kinakain.
Alamin ang pagkakaiba ng needs at wants. Ang needs ay ang
mga basic necessities ng isang tao tulad ng food, water, at shelter. Ang mgs
wants naman ay mga bagay na gusto na isang tao at kaya naman nitong mabuhay
kahit wala ang mga ito.
3. Taasan ang porsyento sa sahod mo na napupunta sa iyong
savings envelope.
Subukan na gawing habit ang pagtatabi ng pera na mas malaki
pa sa iyong gagastusin mula sa iyong paycheck.
Kung magwiwithdraw man ng cash mula sa savings account, sakto
lang ang kunin at huwag kumuha ng sobra sobra. Sa ganitong paraan mas malilimit
natin o matatanggal ang pagkakaroon ng tinatawag na impulsive buying o ang
pagbili ng wala sa badyet.
4. Mamili ng Hobbies o mga pagkakaabalahan na hindi
magrerequire sa iyo na gumastos ng malaki
Pagbabasa ng hiniram na libro, paggala sa public park,
pagride ng bike at pag jogging ay ilang mga activities na hindi nangangailangan
ng malaking mga gastusin.
Imbes na magbasa sa isang mamahalin na café, marami naming
mga 7/11convenience store na nag-ooffer ng napakamurang mga inumin.
Gamitin ang pagiging creative sa paghahanap ng mga
alternatibong paraan upang makapagpalipas ng panahon ng hindi gumagastos ng
malaking halaga.
5. Kumuha ng Extra Income mula sa mga Raket
Magpart-time job o
gamitin ang talento sa paggawa ng extra income.
Kung ikaw ay magaling magluto, gumawa ka ng mga prepacked na
pagkain na pwede mo ibenta sa iyong mga katrabaho at mga kapitbahay.
Kung magaling ka sa arts and crafts, subukan mong gamitin
ito at maibenta sa iyong mga katrabaho at mga
kapitbahay.
Maari ka ding mag trabaho as a part-time online freelancer.
Madami sa internet na naghahanap ng mga part-timers sa paggawa ng kung ano
anong mga tasks. Ang isang example ng online-
work search website ay ang Freelancer.com.
Source:
Masubukan nga baka yayaman ako nito 😉😊☺️
ReplyDeletePerfect...
ReplyDelete