Post Top Ad

Friday, April 12, 2019

Mga Paraan Upang Makapag-ipon ang isang OFW


Common na sa isang middle class at mga mas mahirap pa sa mga middle class na citizens ang pangarapin na makapag-trabaho sa labas ng Pilipinas. Pangarap ng bawat mamamayan ng Pilipinas na makatulong sa kanilang mga magulang at masuklian ang kanilang pagmamahal sa paraan ng pagbibigay sa kanila ng magandang buhay. 

Ang ilan namang mga OFW ay nagsisikap na magtrabaho abroad upang mapaaral ang kanilang mga nakababatang mga kapatid. Ang ilan naman ay nag ta-trabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Upang mapaaral sila at magkaroon ng maginhawang pamumuhay.

Credit Image: https://pinoyjuander.com/blog/2016/12/ofws-returning-home-without-savings-report-says/

Malaki ang sinasakripisyo ng mga OFWs para sa kanilang mga mahal sa buhay. Halos isandaang porsiyento ng kanilang mga sahod ay ipinapadala nila sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas. Ito ay isang dahilan kung baki hindi nakakapagpundar at nakaka-ipon ang karamihan sa mga OFWs. Hindi sila nakakapagtabi o nakakapag-ipon dahil minsan ang mga taong humahawak ng kanilang mga pera ay hindi marunong mag-manage ng pera.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang ang isang OFW ay makapag-ipon o makapag-tabi ng pera:

1. Sundin ang rule na 50-30-20
Ang sabi sa 50-30-20 rule ay ang paglagay ng 50 percent ng iyong income sa iyong budget bilang pondo para sa mga gastusin tulad ng para sa pagkain, rent, at pamasahe. Ang thirty percengt naman ay dapat nakalaan para sa mga gastusin para sa leisure o para maka-pagrelax ka at ma-enjoy mo ang iyong pinaghirapan. Ang twenty percent naman ay para sa iyong savings.

2. Unahin ang needs bago ang wants
Dapat alam natin na i-control ang atin sarili upang makapag tipid at makapagtabi ng pera kada sahod. Importante din na alam natin ang pagkakaiba ng needs at wants. Ang needs ay ang mga bagay na kailangan ng isang tao upang mabuhay. Ito ay ang mga gastusin para sa pagkain, inumin, shelter, at proteksyon. Ang mga wants naman ay mga gastusin na hindi ganoon ka-importante kung ikukumpara sa mga needs.

3. Isipin ang mga short-term at mga long-term na mga plano
Alamin mo kung saan  mo nakikita ang iyong sarili sa loob ng 20 years. Alamin mo kung ano iyong mga short-term goals na kailangan mo ma-achieve upang ma-reach mo ang iyong long-term na goals.

4. Iwasan ang pag-gamit ng credit cards
Ang paggamit ng credit card ay magbibigaysa iyo ng pakiramdam na limitless ang iyong pera pero ang katotohanan ay sa hinaharap ay mababaon ka sa utang at maghihirap ka dahil sa laki ng mga interests na iyong pagsusumikapang bayaran.

5. Umiwas sa mga bisyo
Iwasang ang pagkakaroon ng mga bisyo upang hindi maabos ang iyong sahod sa mga bagay na mahirap iwasan tulad ng gastusin para sa pagsusugal, paninigarilyo, at pag-inom ng alak.

6. Magsimula nan a mag-invest
Imbes na gamitin sa kung saan o imbes na 100 percent ng iyong savings ay ilalagay mo lang sa banko, maaari ding ilagay ang ilang percent nito sa isang investments tulad ng para sa negosyo o sa iba pang mga financial instruments. Mainam din na kumunsulta sa mga financial advisors ng mga banko o mga financial institutions o firms.

Source: https://thepinoyofw.com/how-to-save-money/

7 comments:

  1. Korekek kaayo ni bossing...thank you for sharing

    ReplyDelete
  2. Ginalingan tips mo bossing! 👏👏👏
    I still am using my credit card pero paid off agad before magstart ang next billing cycle para walang interest na babayaran. Knowing how to play with the system is very important! Charrroot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow naman...mapapasana ol ka talaga nyan...yong iba inabot na ng due dipa nababayaran pero ikaw hindi pa lumabas sa mall binayaran na...hahaha...mas maganda siguro magshopping ka sa mall, kaskas ng kaskas tapos bago lumabas sa mall dadaan ka sa bayad center para bayaran mga napamili...lupeeeeeeeetttt

      Delete
    2. Hahaha. Sana ol puro usapang pera, isang bagay na wala ako. Talagang walang pera! Hehehe

      Delete
  3. Salamat sa tips kuya sana all magagawa yan kaso di ko alam kung pano umpisahan palaging kulang pa ang sahod huhuhu

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages