Ang main source ng income ng isang estudyante ay ang mga
allowances na nanggagaling sa kanilang mga guardians o mga magulang.
Ang allowances na binibigay sa mga estudyante ay
pinaghirapan ng kanilang mga magulang o guardians. Nararapat lang na
pahalagahan ito ng mga bata at gamitin ito sa mga bagay na makakatulong sa
kanila upang makapag-tapos. Suwerte ng ibang mga bata na may mga magulang o
guardians na sumusuporta sa kanila. Ang ibang mga bata ay nangangailangan pang
maghanap ng side-line upang makapag aral.
Ang ilang mga paraan upang makapagtago ng sobrang pera ang
isang estudyante ay nakalagay sa mga susunod na talata:
1. Imonitor ang iyong mga gastusin
Dapat alamin kung sapat ba ang iyong badyet sa mga iyong
gastusin. Mainam na gumawa ng badyet gao gastusin ang iyong allowance.
As much as possible, siguraduhing realistic ang gagawin mong
badyet. Baka naman kasi sa sobra nitong idealistic eh hindi mo na isinasama sa
iyong badyet ang gastusin para sa mga contingencies na gastusin o iyong mga
emergency expenses.
2. Maging Matalino sa pag-grocery at sa iba pang bilihin
Possible pa rin na maging healthy kahit na limited lang ang
iyong income. May mga produktong mas mabibili ng mas mura. Minsan kasi ay brand
nan g product and binabayaran natin at hindi na mismo ang quality. May mga
produkto na pareho din ang kalidad kung ikukumpara sa mga high-end brand
alternative nito.
3. Wag gumastos ng sobra sa iyong transportation
Ayos lang na magcommute o gumamit ng sasakyan papunta sa
paaralan. Ngunit minsan may mga alternatibong paraan upang makatipid ang isang
estudyante sa transportation expenses.
Ang estudyante ay maaring mag bike, maglaked o makisakay sa
mga kamag-anak o mga kaibigan. Sa ganitong paraan, nakakapagtipid ka sa
buwanang badyet mo para sa transportation.
Sa transportation na lang din for example, may discounts ang
mga estudyante sa basic education hanggang sa college level (bachelor’s degree
students) sa pagsakay nila sa mga public utility vehicles.
Gamitin ang prebilehiyong ito upang makatipid at
makapagtabi. Huwag lang kakalimutan na dalhin ang inyong mga school IDs para
maka-acquire ng student discounts.
5. Bumili ng mga
librong secondhand
Kung ang libro naman ay updated pa rin, mainam din na bumili
na lang mga mga secondhand o pre-loved
na mga libro. Nakatipid ka na, natuto ka pa.
6. Magbayad ng bills sa tamang oras
Ang pagbabayad ng mga bills ng late ay may kasamang penalty
at interest. Iwasang magbayad ng extra na gastusin sa ganitong mga bagay sa
pamamagitan ng pagbabayad ng maaga pa sa mga due dates nito.
Maari din magset ng mga alarm o reminders sa iyong mobile
phones kung kelan ang schedule mo ng pagbabayad sa mga bills.
7. Pay the right Taxes
Kung may mga part-time kang trabaho habang nag-aaral, mainam
pa din na magbayad ka ng tamang buwis. May mga penalties at interests na
ipinapataw ang gobyerno sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Nakakatulong na hangga’t bata palang ay marunong na tayong
sumunod sa batas ng ating inang bansa.
Source:
Tumpak jud ni...
ReplyDeleteHala, pers onor nasad ni...dako nako utang ani...
Deletehahaha. Makakatipid ang studyante kapag may bf/gf na maggrocery at manglilibre hahaha sana all!
ReplyDelete