Nasubukan mo na bang sabihin sa iyong sarili ang mga
katagang ito: “Sa susunod na buwan na lang ako magtatabi ng pera.” o “Sa
susunod na tatlong buwan na lang ako magtatabi ng pera dahil kailangan ko pang
magbayad ng kung anu-ano.”
Madalas nating nasasabi na ang ating kinikita buwan-buwan ay
parati na lang kulang. Dagdag pang pahirap sa ang mga utang na dapat mabayaran.
Ang iba naman ay hirap pa rin kahit na napakadami na ang
ginagawang raket maka-earn lang ng extra.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upan makapagtago
kahit na napaka-liit ng kinikita sa isang buwan:
1. Magbago ng cable service provider o maglipat sa mas mura
na cable service provider
Malaki ang maitutulong sa iyo ng pagtitipid o pagbabawas sa
buwanang gastusin. Maaari din na imbes na magbayad buwan-buwan sa isang cable
service provider maari ding bumili na lang ng TV box na kung saan minsan ka
lang magbabayad. Ang isang halimbawa nito ay ang ABS-CBN TV Box na pagkatapos
mong magbayad ng one –time payment ay di mo na kakailanganin pang magbayad
buwan-buwan ng para sa cable service nito.
2. Bawasan ang Pagkain sa Labas
Totoo nga na ang pagkain ang isa sa mga basic necessity ng
isang tao. Kung wala ito, ang tao ay hindi makakasurvive. Ngunit ang pagkain sa
labas ay minsan hindi parin maiiwasan lalo na sa mga taong wala nang oras para
makapagluto.
Mainam pa rin na makaugalian na sa bahay na lang kumain
upang hindi lang para makapagtipid kundi para makasiguro na din sa kalinisan ng
pagkain.
3. Subukang Makapag-isip ng Mga Mas Murang Alternatibo sa
ilang gastusin
Kahit sa pamimili sa grocery store ay napaka-applicable
nito. Madaming mga produkto na pare-pareho ang benefits sa brand lang nagkaiba.
Mas mainam na pumili ng brand na mas mura kumpara sa iba. Kumbaga, sa brand
lang talaga sila nagkaiba.
4. Humanap ng mga Alternatibong Paraan upang Mabawasan ang
Ilang malalaking buwanang gastusin
Kung nalalakihan ka sa renta ng iyong inuupahang kuwarto ay
maari kang maghanap na lilipatan o maghanap ka ng pwede mong maging roommate
upang magkaroon ka ng kahati sa buwanang rent.
5. Gumamit na Cash sa Pamimili Imbes na Credit Card ang
Gamitin sa pamimili
Mas nagkakaroon ng sense of responsibility ang isang tao
kung actual na nakikita nya ang totoong halaga ng cash na kanyang pwede lang
gastusin.
Mainam pa rin na cash ang gamitin sa pamimili dahil hindi
tayo matutukso na umutang / sumobra sa budget.
6. Pakonti-konting Bayaran ang Mga Pinagkakautangan
Ang interest na binabayaran sa pagkakautang ay isa sa mga
dahilan kung bakit nahihirapan makapagtago ng pera ang isang indibidwal.
Maaring buwan-buwan ay magtabi din ng ilang porsyento ng buwanang sahod bilang
pambayad sa mga pinagkakautangan.
Dadating din ang panahon na mababayaran mo din ang lahat ng
iyong utang. Masarap ang pakiramdam ng walang pinagkakautangan. Sa sobrang pera
na mahahawakan mo, makapagdagdag ka din sa emergency fund mo o magagamit mo ito
sa pag-invest sa iba mo pang raket, stocks, at iba pa.s
Source:
Napakagandang advice nanaman po nito para saamin lalo na ako wala talaga ako alam pano mag tabi kasi pano mo naman itatabi ang kunti kinikita nag uupa pa ng bahay. Pero ito talaga ang dapat salamat sir sa napakagandang advice nyo
ReplyDeletewalang anuman po mommy
Delete