Hindi basehan ang amount ng ating sahod o income para masabi
natin na hindi muna tayo magtatabi ng konting amount for a rainy day.
Kailangan ng striktong disiplina at commitment upang maging
successful sa pagsunod sa buwanang budget ng pamilya o kung single ka pa ay sa
sarili mo.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan kung paano
makakapagtipid at makakasunod sa buwanang badyet:
1. Tanungin ang sarili, “Kailangan ko ba talaga ito?”
There is a big difference between a want and a need. Needs
are basic necessities that without it, people won’t be able to live or survive.
Ang ilang example ng need ay, ang pangangailangan sa pagkain, inumin, bahay,
seguridad, at iba pa. Wants are the things that people desires to have but is
not a basic necessities. Ang ibig sabihin nito ay ang wants ay parang ating mga
luho. Kaya natin magsurvive kahit wala ang mga ito.
Kailangan nating malaman ang pagkakaiba ng needs at wants
upang malaman natin kung ano ba iyong mga dapat ng hindi mawala sa budgeted
expenses natin at iyong mga bagay na hindi naman ganoon kahalaga.
2. Bumili ng groceries online
Minsan nakakatulong din ang paggamit ng teknolohiya upang
tayo ay makapagtipid at makasunod sa ating budget. Kung ikukumpara sa
pag-grocery sa actual na pamilihan, sa online grocery shopping ay hindi ka na
matutukso ng kung anu-ano pang mga pamilihin na hindi mo naman talaga
kailangan. Nakatipid ka pa sa oras sa pagtravel. Time is gold. Nakakatipid ka
na sa pamasahe, nagkakaoras ka pa sa ilang value adding activities na pwede
makatulong sayo sa mga potential rakets mo.
3. Gamitin ang Three-Day Rule
Bago pa man bumili ng isang want, kailangan mo munang pag
isipan ito ng tatlong araw bago gumawa ng desisyon kung bibilhin mo ba ito o
hindi. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng time na makapag-isip at
makapag-weigh ng kung gaano mo kagusto o kailangan ang isang produkto.
4. I-unfriend o I-unfollow ang mga social media connections
o Facebook Friends mo na nag-Oonline Selling
Sa ganitong paraan, hindi ka na matutukso na magtanong ng
presyo ng isang product nila na maaaring hindi mo naman talaga kailangan as a
basic necessity.
5. Gamitin ang Cash Method
Huwag palaging dalhin ang iyong credit card o huwag ka na
lang kumuha ng credit card. Mas mainam na kapag namimili sa isang grocery store
na cash na ;an gang iyong bitbitin. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang
paggastos ng wala sa budget. Nakatipid ka na, hindi ka pa nagkautang. Alam
natin na ang utang ay palaging may kakambal ng interes. At iyang interes minsan
ang nagiging dahil kung bakit ang isang utang ay hindi mabayad-bayaran.
Napakadami pang paraan upang tayo ay makapag-tipid at
makasunod sa ating badyet. Ang limang ito ay ilan sa napaka-epektibong paraan
upang tayo ay makapag-ipon at maka-alis sa mga financial commitments like loan
and interest payments.
Disiplina at Commitment sa iyong goal na makasunod sa budget
at makapag-ipon ang ilan sa mga importanteng aspeto n adapt mong pagtuunan ng
pansin upang ang kahirapan ay maiwasan. Kung wala ang dalawang ito, balewala
ang pagsunod mo sa ilang tips na ibinigay sa article na ito.
Sources:
Ng catch sa attention ko yung no. 4.. Masaya na ako nakapag yt ako kasi nababawasan oras ko sa fb.. Dun kasi maraming ng sell online.. Pwede kaya eunfriend ding yung katrabahao mo na ngbebenta sa office at hirap Kang tumanggi (joke). Kadalasan kukuha ako kasi sa isip ko nakakatulong ako sa kanya.. Di ko nainisip na kulang talaga budget ko..
ReplyDeleteKorekek
ReplyDeleteCopy bossing no.1. Tinanong ko na sarili ko at kailangan ko daw inumin ngayon tulad nga wine kasi uhaw na uhaw na hahaha.
ReplyDeletePag llbas ako kung ano lng ung ddlin ko pera un lng para sa bibilin ko dhil dyan ako nabibiktima kpg me dala ako pera na sobra sa hlga n bibilin ko.. or hindi ko dinadala wallet ko hahaha
ReplyDelete