Iba-iba ang kinikita ng mga self-employed buwan-buwan. Isang feature ng pagkakaroon ng isang negosyo ay ang pagkakaroon ng pa-iba-ibang kita buwan buwan kung ikukumpara sa fixed na income buwan-buwan ng isang empleyado.
Napakahirap magmanage ng negosyo ngunit napaka-rewarding para sa isang tao na ang hilig ay ang magkaroon ng thrill at challenges sa pag-earn ng pera.
Tulad ng karamihan sa mga negosyo, ang mga iyo ay minsan malakas ang kita at minsan naman at mahina. Isang test ng katatagan mo bilang isang negosyante ang makasurvive sa mga panahon na parang gusto mo na sukuan ang pagnenegosyo dahil sa mga challenges nito di lamang sa kita kundi sa oras at lakas mo.
Mahalaga pa din na gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Kung hindi mo hilig ang iyong negosyo ay mahihirapan kang magcommit sa negosyo na iyon. Masarap sa damdamin na makita ang negosyo mo na kumukita at lumalaki dahil sa iyong dedikasyon at pagsusumikap.
Isang napaka-importanteng factor na nakakatulong upang makapagpaunlad ng isang negosyo ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagmanage ng finances ng negosyo.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga money saving tips upang mas mapaunlad pa ng isang self-employed na individual ang kanyang finances:
1. Maggawa ng estimates gamit ang percentages kesa sa pesos
Dahil hindi fixed ang kinikita ng isang self-employed ay hindi appropriate ang pagkakaroon ng estimates ng base sa pesos. Mainam pa din na gumamit ng percentages sa paggawa ng estimates.
2. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa taxes
Minsan ang taxes ang nagbibigay ng problema sa mga self-employed na indibidwal. Sa pagiging kumplekado ng tax system sa Pilipinas ay kailangan ng sapat na expertise ng isang negosyante, bookkeeper ng isang negosyo o kung sino pa man ang gumagawa ng tax returns ng isang negosyo. Mainam din na mag-attend ng seminars ang isang self-employed ng tungkol sa basics ng taxation.
3. Mag-calculate ng basic na gastusin para sa buwan
Gumawa ng listahan ng mga gastusin para sa buwan tulad ng para sa renta sa lugar, gastusin para sa tubig, kuryente at wifi, pampuhunan, at ilan pang mga fixed na gastusin buwan-buwan.
4. Lubusin ang mga financial wealth opportunities
Kung naging malakas ang kita sa buwan lubusin ito at gamitin ang sobrang kita sa pagbuild ng iyong emergency fund at pag-acquire ng mga investme nt opportunities sa ilang mga insurance companies.
5. Umiwas sa utang
Ayos lang na magkautang ng maliit na halaga ang isang negosyo. Ngunit hindi na maganda kung ang utng ng isang negosyo ay lumalaki nan g halagang sobra na sa kayang i-handle o bayaran ng isang negosyo. Mainam pa din na makapagcontrol sa pagkuha ng mga loans ang isang self-employed na nag-mamay ari ng isang negosyo.
Source: https://www.bankrate.com/personal-finance/smart-money/6-financial-tips-for-the-self-employed/
This is tama.thank you bossing
ReplyDeletewala bang mali? hehehe
DeleteNow i know ggwin kpag ngnegosyo nko
ReplyDeletekailangan natin ito kapag nag negosyo na tayo
DeleteMana man ko basa ani..hihihi
ReplyDelete