Post Top Ad

Friday, December 18, 2020

Mga Paraan sa Pagtitipid sa Pag-grocery Shopping

Ang isang klase ng bilihin na hindi pwedeng mawala sa budget ng isang tao ay ang budget para sa mga bilihin upang matugunan ang mga basic na pangangailangan ng isang tao o ng isang pamilya.

Minsan mas nakakakuha pa ng mga mas murang products ang isang consumer sa mga grocery stores kung ikumpara sa mga presyo ng mga bilihin na nasa isang wet market.  Marami ding mga offers ang ilang mga grocery stores kung ikukumpara sa mga wet market stalls. 

Mas hygienic din ang storage ng mga produkto na karne, prutas, gulay at iba pa sa isang grocery stores kung ikukumpara sa ilang mga stalls sa isang wet market.

Lahat o halos lahat ng mga grocery stores ay mahigpit na nababantayan ng mga local govern unit kung saan sila nakatayo kung ikukumpara sa pagbabantay ng mga produkto na ino-offer ng mga stalls sa isang wet market.
Ang isang grocery store ay striktong ni-reregulate ng national government na sumunod sa suggested price provided ng government. Ang isang wet market stall ay madalas nagbebenta ng mga produkto na mas mahal kaysa sa mga presyo ng mga grocery stores.

Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapag-tipid ang isang mamimili sa pag-grocery shopping:

1.Sundin ang nakasulat sa iyong listahan. 
Mainam na gumawa ng listahan na naglalaman ng mga kakailanganing bilhin sa isang grocery shopping trip. Mainam din na lagyan ng estimated cost ang bawat item sa inyong list. Makakatulong din ang pagdala ng calculator sa pag-grocery shopping upang malaman kung sapat ba ang dinalang salapi.

2. Maging creative sa mga resources na mayroon ka
Maging malikhain sa mga kagamitan o resources na mayroon ka upang makapagtipid. Mainam na maubos muna ang laman ng inyong ref bago maggrocery shopping. Maging malihain sa pagprepare ng mga meals gamit ang mga natitirang stocks.

3. Magfreeze at mag-store ng meals
Magluto ng madamihan. Hatiin ang mga ito. At i-freeze ang mga left-overs every meals. Sa ganitong paraan, mababawasan ang food waste na napro-produce ng iyong pamilya.

4. Gumamit ng envelope system
Ipakita sa cashier ang iyong budget upang malaman din nya kung anong limit mo at para din makatuong sya sa iyong paggrocery shopping. Hindi ito nakakahiya. Mas makakatulong pa ito sa iyo upang masunod mo ang iyong grocery list at hindi ka matukso na bumili ng mga produktong wala sa iyong grocery list.

5. Gumawa ng meal plan para sa iyong pamilya at strictly sundin ito
Mainam pa din na magplano ng mga meals na iyong ihahain para sa iyong pamily bago magkaroon ng grocery shopping trip. Mainam pa din ang nakaplano ang inyong meals upang mas makakagawa ka ng grocery shopping list na accurate at sakto para sa budget at para sa pamilya.

6. Huwag bumili ng sobra pa sa kakailanganin mo at ng iyong pamilya
Huwag magpapadala sa mga marketing offers ng isang produkto. Iyong mga nakalabel na may discounts ay minsan mga produktong hindi mo o ng pamilya mo kailangan. Mainam pa din ng kung ano lang ang iyong kailangan ang iyong bilhin.

Source: https://www.daveramsey.com/blog/ways-to-save-on-groceries

7 comments:

  1. Mgdala lng nh sapat na pera para hindi ma temp sa mga bibilin n di nmn priority

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap din kasi mamili na sakto-sakto lang...ayaw kung mashort sa pera. Hehehe pero I can control myself naman.

      Delete
  2. Bossing may gusto ko yung no.7: Wag kalimutan at isama ang tagabayad ng mga bibilhin. Hahaha.

    ReplyDelete
  3. Im doing some of these bossing..thank you po.

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages