Post Top Ad

Wednesday, January 13, 2021

Mga Paraan Upang Makapagtipid sa Pag-aaral ng College

Sa competitive na environment ngayon, mahihirapan nang makahanap ng trabaho na ang kita ay sapat sa pang araw araw na pangangailangan ng isang indibidwal at ng kanyang pamilya. Malaki pa din ang naitutulong ng pagkakaroon ng isang college diploma kung ikukumpara sa isang high school diploma.

Sa panahon ngayon, pataas ng pataas taon taon ang mga bilihin taon taon at hindi nagpapahuli ang pagtaas ng tuition fees at ilang mga miscellaneous fees sa mga paaralan sa Pilipinas.

Kahit na free na ang tuition fees sa mga state universities sa Pilipinas ay mahirap pa din makapagtapos ng kolehiyo dahil sa mga gastos para sa renta ng boarding house, transportation, pagkain, assignments, projects, at ilan pang mahahahalgang gastusin para sa mga estudyante.

Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagtipid ang isang estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo:

1. Patayin ang iyong mga gadgets at ilaw sa boarding house
Isang napakabigat na bayarin ng isang estudyante ay ang renta at ang tubig at kuryente na buwan-buwan ay kailangang bayaran. Mainam na patayin ang mga ilaw, gadgets, appliances at ano pang electronic devices kapag ito ay hindi ginagamit. Sa ganitong paraan, makakatipid ang estudyante sa bayarin nya sa tubig at kuryente.

2. Huwag sumama sa mga kaibigang mahilig kumain sa labas
Hindi masamang kumain paminsan minsan sa labas. Ang hindi nakakabuti ay ang pagkain sa labas palagi. Mahihirapan makapagtipid ang isang estudyante kung palagi na lang ito kakain sa labas. Mainam pa din na magluto sa bahay at magbudget ng pagkain sa pamaagitan ng pagkakaroon ng isang meal plan linggo linggo.

3. I-take advantage ang mga discounts para sa mga estudyante
Bilang isang estudyante, madaming mga paraan upang makapagtipid ang isang paraan nito ay ang pag grab ng mga opportunities ng pag-avail ng mga discounts para sa mga estudyante.  I-take advantage ang student discounts sa mga transportation companies, sa jeep at sa ilan pang mga public utility vehicle. May mga ino-offer din na student meal na binibigay lamang sa mga estudyante. Wag lamang kakalimutan na bitbitin ang student ID sa kung saan ka man mapunta at tiyak makaka-avail ka ng mga student discounts sa tulong nito.

4. Itago ang mga barya o sukli
Ang piso man ay maliit na halaga ngunit ito ay malaki kung isang daan o isang million nito ay pagsasama-samahin. Kumuha ng isang jar, ipunin ang iyong mga sukli at ilagay sa jar ang mga ito. Hindi mo namamalayan na malaki na pala ang naiipon mo sa barya baryang iyong itinatabi.

5. Magbawas sa caffeine
Imbes na magkape sa starbucks o sa mga café araw-araw ay maari ka namang magtimpla nalang nitong sa inyong boarding house. Maari ka ding bumili ng sarili mong brewing machine upang hindi mo na kakailanganing bumili ng kape sa mga mamahaling mga stores.

6. Gamiting ang free gym previleges ng eskuwelahan
May mga paaralan na may mga gym. I-take advantage ang pagiging estudyante mo sa pag-gamit ng mga gym equipment ng iyong paaralan for free. Huwag lamang kakalimutan na magpaalam sa custodian ng gym ng paaralan upang hindi mapagalitan o mapahamak.


Source: https://www.thecollegejuice.com/2016/07/10-easy-ways-save-money-every-day/

2 comments:

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages