Post Top Ad

Friday, April 12, 2019

Mga Paraan sa Pagtuturo sa Anak na Makapag-ipon

Isang blessing ang pagkakaroon ng tao na pwede mong pagpasahan ng iyong legacy. Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang tao na matuto mula sa iyong mga pangaral at ehemplo. Nakaka-proud bilang isang magulang ang makita ang iyong anak na matatag at handa sa mga magiging pagsubok nya sa buhay. Ang isang magulang ay ginagawa ang lahat upang makapag-provide ng mga materyal na mga pangangailangan para sa kanyang anak.

Ang madalas na paraan ng pagkatuto sa pag-iipon ay nakkuha natin kapag tayo ay tumatanda na o sa mga panahong tayo ay nagsisimula nang maghanapbuhay para sa sarili o para sa pamilya.




Ang pag-iipon ay isang paraan sa pag-build ng wealth at pagkakaroon ng secured na financial foundation. Ang pagkakaroon ng financial literacy ay napaka-importante ngunit ito ay hindi naman naituturo sa paaralan.

Ang pag-aaral sa personal fianance ay itinuturo na rin sa senior high school at sa ilang mga kurso sa kolehiyo. Ngunit ito ay kinukuha lang ng mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong related sa business.

Isang ideal na ideya ang pagkakaroon ng subjects sa basic education na related sa personal finance upang kahit sa murang edad pa lang ay matututo na ang isang bata na mag-manage ng kanyang finances.

Ang pagturo ng mga paraan sa pag-iipon sa iyong anak mula sa  murang edad ay isang napaka-importanteng lesson na maibabahagi mo sa iyong anak na kanyang magagamit hanggang sa pagtanda.

Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maturuan ang mga bata na makapag-ipon:

1. Magbigay ng piggybank sa iyong anak
Ipaliwanag sa iyong anak ang purpose ng isang piggybank. Sa ganitong paraan mas madadalian silang maintindihan ang konsepto ng pag-iipon. Sabihin mo sa iyong anak o mga anak na ang goal sa pagkakaroon ng isang piggybank ay ang pagpuno nito ng mga pera na papel at coins. Sabihin din na ang maiipon ay para sa future na gastusin.

2. Magbukas ng bank account
Kapag ang piggybank ng iyong anak ay puno na, isama sa banko ang iyong anak at ang kanyang piggybank. Doon ay ipakita sa iyong anak kung paano ang pag-iipon gamit ang pagkakaroon ng isang bank account. Turuan silang magbilang ng pera upang malaman nila ang value ng kanilang iniipon.
                                Credit Imagehttp://www.financialliteracyinfo.ca/planning-for-the-future/how-to-save-money-with-cait-flanders

3. Ituro ang paraan ng pagkakaroon ng isang savings jar
Magbigay ng mga jars sa iyong anak at lagyan ito ng mga label ng kung ano ang kanilang bilhin tulad ng gadget, laruan, o kahit na anumang gamit. Sa ganitong paraan malalaman nila ang halaga ng pera. Mainam din na maglagay ng photos sa jar na gustong bilhin ng bata upang mas ma-encourage sya sa pag-ipon.

4. Maging mabuting ehemplo sa iyong anak
Huwag lang puro turo ang gawin sa iyong anak. Mas mainam pa rin na lahat ng iyong itinuturo sa iyong anak ay iyo ring ginagawa.
5. Magkaroon ng sapat na conversation sa iyong anak about sa pag-iipon
Ipaliwanag sa kanya ang limitations ng pera na kaya mong iprovide sa kanya. At ipaliwanag din na kailangang magtrabaho at paghirapan ang pagkakaroon ng pera.

Source: https://www.windgatewealth.com/six-ways-to-teach-your-kids-about-saving-money/

4 comments:

  1. Na bossing dili pako karelate ani wala pako anak..hihihi.ako lang sa ni erecord.

    ReplyDelete
  2. Tama ka kuya kaya lang now yun lang ikakasaya nya kase malayo ako yun lang paraan para iparamdam ko sa knya na Mahal ko lahat ng gusto nya Susundin ko para nang sa ganun Hindi sumama ang loob nya sakin..

    ReplyDelete
  3. Tama ka kuya kaya lang now yun lang ikakasaya nya kase malayo ako yun lang paraan para iparamdam ko sa knya na Mahal ko lahat ng gusto nya Susundin ko para nang sa ganun Hindi sumama ang loob nya sakin..

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages