Post Top Ad

Friday, April 12, 2019

Mga Steps Upang Makapag-Invest ng Sobrang Pera sa Stock Market ng Pilipinas


Sa dami ng mga makabagong paraan ng pag-reach ng mga brokers sa mga potential stockholders at mga stockholders, lalong gumaganda ang performance ng mga stock market, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na din sa ilang mga stock markets sa mundo.

Ang Philippine Stock Market ay isa sa mga pinakamatandang Stock Market sa buong Asia Pacific.

Credit Imagehttps://www.goodnewspilipinas.com/philippine-stock-exchange-ceo-bullish-on-stock-market-in-2018/

Madami kang pwedeng makuha o ma-earn mula sa pagpaticipate mo sa stock exchange ng Pilipinas. Isa sa pinakamahalaga na gain na iyong makukuha sa pagtrade dito ay ang pera. Maari kang kumita mula sa dividends o maaari ka din kumita sa pagbebenta ng mga pag-aari mong stock sa moment na tumaas ang presyo nito per share (capital appreciation).

Nakaka-dagdag din ng self-worth ang pagiging stockholder ng isang stock sa Philippine stock market. Magiging parte ka ng 1% ng populasyon ng Pilipinas na stockholders. 
Nakaka-proud at nakakadagdag sa self-confidence ang pagkakaroon ng involvement sa stock market ng Pilipinas dahil ibig sabihin nito ay handa kang i-enjoy ang iyong life sa pag-grab ng ilang mga risks.

Ang pagiging stockholder ay nagpapatunay na isa kang financially literate na individual. Mas madami ka pang matututunan tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas sa pag-trade mo sa stock market ng Pilipinas.

Kapag ikaw ay isang stockholder, matatawag mo na ding part-owner ng stock na iyong pagmamay-ari. Napakareqarding nito dahil kapag umuunlad ang performance sa market ng isang stock ay ikaw din ay yumayaman dahil ang value nito ay madalas na tumataas. Sa pag-unlad ng isang stock, kasabay din ang pagtanggap mo ng mga benefits tulad ng mga dividends.

Ang mga sumusunod ay mga steps o mga paraan upang makapag-trade sa Philippine Stock Market:

1. Sapat na Kaalaman
Importante pa din na magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa stock market at ang basics nito upang hindi magkaproblema at umuwi ng luhaan mula sa pag-trade sa stock market. Mainam din na mag-attend ng mga seminars tungkol sa stock market.

2. Oras
Kakailanganin mo ng sapat na oras upang matutukan ang movement ng presyo ng mga stocks na iyong planong i-trade. Ang mga stock traders ay nagseset ng mga time limits kung kelang nila palanong magtrade. Ang ilang mga stockholders naman ay gumagamit ng technique na tinatawag na Peso Cost Averaging Method sa pagtrade sa stock market. Ang gumagamit ng Peso Averaging Method ay ang mga stockholders na wala masyadong oras upang mabanatayan ng minu-minuto o oras-oras ang paggalaw ng presyo ng mga stocks na kanilang planong i-trade.

3. Pera
Hindi ka makakapag-simula sa pag-trade sa Philippine Stock Market kung ikaw ay walang sapat na pondo para makabili ng mga stocks. May mga brokerage firms na 5000 ang minimum requirement na budget upang makapagsimula na mag-trade sa stock market.

4. Alamin mo kung anong klase kang Investor
Isa ka bang aggressive na investor na kung saan unlimited ang risk na kaya mong tahakin?
Isa ka bang passive na investor na kung saan ayos lang sa iyo ang mga investments na may mataas na risk kung ikukumpara sa mga investment risk na kayang itolerate ng isang conservative na investor ngunit ang risk na ito ay hindi ganoon ka-risky tulad ng mga investment ng isang aggressive investor?

Isa ka bang conservative na investor na kung saana ng iyong mga gustong kunin na investment ay ang may pinakamababang risk?

Source: https://philpad.com/ultimate-guide-on-how-to-invest-in-stocks-in-the-philippines/

5 comments:

  1. Sinubukan ko ang stock market nyo dyan bossing at so far so good kasi binili ko ning bagsak ang presyo dahil sa covid. Minimum lng tinry ko para kpag mawawala di masyadong masakit. Self taught lang ako kasi medyo kulang yung details ng mga stocks dyan compared dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala turuan mo kami paano ang sekreto. Actually, nag-umpisa na akong mag UITF ngayong buwan. Hehehehe

      Delete
    2. Gaya ng sinabi mo sa no.1 at no.2, inalam ko lang ang basics at tinutukan ang presyo ng stocks. Tickers ko ABA, KPPI, MAC at Maxs. Medyo tumaas kunti ang presyo ngayon pero pwede parin makahabol. And I positive mas lalong tataas presyo nito kapag available na for all yung vaccine. Basic trading lang alam ko bossing, I compared the 1 yr high and low price tapos yung average price ng stock. If sobrang lapit sa low price at low din ang volatility ng certain stock na yan eh dun ko na bibilhin. Though kunti lang yung stocks na pwede mong pagpipilian dyab compared dito but it’s better than nothing. All in all, it’s a risk that you have to take kaya always be prepared to lose it.

      Delete
  2. Nag invest pod mi bossing.thank you sa tips.

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages