Share Capital Loan sa Cooperative
Ang main purpose ko kung bakit sumali ako sa Coop at maglagay sa aking Share Capital ay para sa aking Retirement plan. Pag sinabing retirement, magagamit mo ang benepisyo nito kapag matanda kana at wala kanang kakayang mag earn so aasa nalang ako sa aking pension or returns sa pera na nilagay ko sa mga Coop.
Isa sa pangunnahing pinagkikitaan ng Coop ay sa pamamagitan ng pagpapautang. No or less loan, walang kita or mababa ang kita ni coop. Mostly sa mga coop loans ang pinagkakakitaan.
Di ba uutang din tayo sa SSS na sarili din naman nating pera yon. Di ba hindi naman natin kini kwestion ang SSS about nito? Ano babang purpose mo sa paghulog sa SSS diba for your pension? Sa Coop yong pension ml makukuha mo every year unlike sa SSS after 60 years old mo na makukuha ang pension.
Sa SSS kung uutang ka, wala kang makukuhang Patronage Refund pero sa Coop mayron. Ang SSS at Coop ay parehong beneficial sa members, magkaiba lang sila ng way para ibigay ang benefits at coverage.
Kaya para sa akin yong pagsabi mo sa Coop na pera mo tapos uutangin mo with interest hindi tama. Palagay natin tama ka sa mindset mo dapat yan din itanong mo SSS.
If sakaling aayaw mo talaga magloan sa sarili mong pera sa Coop, you have the option to withdraw your membership para maiwasan mo ang pagbayad ng interest.
Anong mawawala kung magwithdraw ka?
Mawawala ang lahat ng benepesyo mo sa coop. Yong Dividend na makukuha mo every year ay mawawala din. Kung nagagandahan ka sa mga benepisyo ni coop hindi mo na ma-enjoy like sa mga pamigay kapag ikaw ay MIGS during end of the calendar year, during ownership meeting, district assemblies, annual representative assemblies and General Assemblies. Ang masaklap kung hindi kaba pababalikin ni coop na magpa-member uli.
Sa coop kung tuloy ang pagiging member mo, tuloy din ang pagtanggap mo ng Interest on Share Capital at kung uutang ka, may babalik sayo na Patronage Refund. Hindi lang yan, pati yong mga pamigay ni coop every year kapag ma maintain mo ang iyong pagiging MIGS or Members in Good Standing.
Ang benepesyo na makukuha mo sa coop ay every year mo ng ma-enjoy basta miembro kapa ng coop. So magagamit mo na ang mga ito habang may lakas kapa at wala ka pang gaaanong nararamdamam. Unlike sa SSS na sa way of life natin ngayon, paglagpas mo ng 60 years old at considering hindi ka din palautanf sa SSS, yong pension mo ay kulang pa sa mga maintenance mo sa gamot. Kung sakaling malaki pension mo hindi mo na mai-enoy dahil kadalasan sa panahong yong may tungkod na tayong dala².
Again hindi ko minamaliit ang SSS kasi until now naghuhulog pa din naman ako para sa aking pension pero hindi na ako umutang unlike noon hindi pa ako miembro ng cooperative. Kaya tuloy nyo pa din ang paghulog ng inyong SSS.
Ito ang nakita kung kagandahan sa dalawa. Ang pension mo sa SSS ay para sa iyong mga gamot after 60 years while ang Dibidendo mo sa mga Coop ay para sa iyong pangmalakasang travel habang may lakas pa tayo. Huwag mong antaying saka kana mag travel kung may tungkod ka ng kasa-kasama. Kung.may paraan naman na makapagtravel na hindi mo na kailangang humugot sa sarili mong bulsa bakit hindi mo gagawin ngayon. Sarap pa naman magtravel o bumili ng mga bagay na deserve mo not from your salary or sa iyong bulsa.
Kung nagustohan mo ang POV ko, humanap kana ng mga.coop na may magagandang benepisyo tulad sa mga sinasabi ko. Ang kwento ko sa taas ay hango sa aking personal experience. Hindi ko sinabi na kung umobra sa akin ay oobra din sa personal lifestyles mo. Lahat madadaan sa personal decipline.
Hindi madaling gawin pero kakayanin lalo na kung ang hangad mo ay magkaroon ng passive income sa hinaharap. Kung kaya mong gawin ng mas maaaga, gawin mo na ito. Huwag mong kung kailan late na at naghahabol kana ng oras.
Ang malaking panghihinayang ko sa buhay ay kung bakit hindi ako na educate ng maaga about cooperative at nong nalaman ko na hindi ko agad inumpisahang mag Share Capital build up. Sana yong mga nasasayang kung pera sa Add to Cart na kinalaunan tintapon din naman ay kumikita na sana ngayon ng malaki.
Pero believe me guys, sarap sa pakiramdam kapag araw-araw tinatawag pangalan mo sa delivery driver ng J&T lalo nong kasagsagan ng pandemic
Nong nag-umpisa akong itodo para makahabol, wala ng delivery si J&T pumupunta sa bahay. Wala ng kaskas sa Credit Card. Pero ang utang nanatili para sa business☺. Ang utang ay hindi masama lalo na kung ito ay kumikita din. Magiging masama lang ito kung ang purpose mo ay para sa WANTS.
No comments:
Post a Comment